Have a Question?
Sa financial literacy session with ALSE OFLIFE Batch 143 sa Brunei, very interesting ang mga tanong ng mga students sa akin tungkol sa retirement.
Kung may mga naghahabol sa paghahanda sa retirement, meron din namang nagpaplano na for early finish. Si Jason, halimbawa, nashock nang makita sa form na age 80 pa siya makaka-retire. Kaya ang tanong niya, simple pero mabigat: “Paano mapadali ang retirement ko?”
Si Nenita gusto rin ng freedom by 60, at si Jovy, kahit 10 years pa lang sa Brunei, malinaw na ang goal: “Makapag-retire sa age 50, umuwi sa Pilipinas, at maging financially secure.” May mas aggressive pa: si Rachelyn gusto ng financial freedom by 45! Grabe ang pangarap, pero doable kung maayos ang plano.
Para sa ilan, tanong nila ay: Ready na ba talaga ako? Si Elma, 23 years na sa Brunei, tinanong: “How do we know if our savings are enough before retirement?” Valid ito. Minsan akala natin ready na tayo kasi may konting ipon, pero ‘di pa pala sufficient. Minsan naman, sobra ang kaba kahit okay naman na pala tayo.
Marami sa millennials at Gen X ang naghahangad ng mas maagang pagreretiro — ang target: 40 to 50 years old.
Ang good news? Para sa akin, ang pagyaman ay napag-aaralan at napagtutulungan. Posible ang early retirement, basta may diskarte at plano.
Ano ba ang ibig sabihin ng retirement?
May tatlong klase ng retirement – nominal (mandatory 65 years old sa gobyerno), financial at meaningful and productive retirement.
Walang kinalaman ang edad sa retirement sa financial life stages framework ko. Financial retirement ay kapag ang passive income mo ay sapat na para i-cover ang lifestyle mo hanggang dulo ng buhay mo. Kapag financially retired, ikaw ang pumipili kung sino at ano ang tatrabahuhin mo.” Tulad namin ni Edwin, at age 31, kaya na naming ighost ang toxic clients
PERO, we chose meaningful and productive retirement, financially retired na kami pero pinipili pa rin naming magtrabaho – not for the bills, but for the purpose. Kasi iba rin ang may silbi ka pa rin sa lipunan, at iba ‘yung may kabuluhan ang ginagawa mo.
Paano Mapadali ang Retirement? Narito ang Roadmap
- Simulan nang Maaga at Gawing Automatic ang Pag-iipon at Pag-i-invest
Kung may 10–15 years ka pa bago mag-retire, kaya pa! Ang pinakamabilis na pagyaman ay kung magdadahan-dahan.
- Nasa habit ang magic, hindi sa amount. Kahit bente-bente lang ang kaya mo ngayon, okay ‘yan kaysa wala.
- Gawing automatic ang pag-iipon. Parang tax — bawas agad bago pa pumasok sa kamay mo ang sweldo.
- Gamitin ang 5-15-20-60 budgeting rule bilang percentage ng monthly income:
- Max 5% for insurance
- Min 15% for savings (30s–40s); min 10% kung 20s pa lang
- Min 20% for investments (30s–40s); min 35% kung 50+
- Max 60% for expenses
- Balancehin ang YOLO at YAGO — You Only Live Once pero dapat may You Also Grow Old. Ang goal: BOLO — Balancing of Luxuries and Obligations.
- Kilalanin ang Sarili at Pumili ng Simpleng Lifestyle
Lifestyle = gastos. Kung magarbo ang lifestyle, mas malaki ang kailangan mong passive income. Kung simple ang pamumuhay mo, mas madaling abutin ang FIRE status – Financially Independent Retiring Early.
Para maging on FIRE, kailangan mong may emergency savings, sapat na insurance, stable na passive income na kayang tustusan 100% ng gastos mo, at pinakaimportante — simpleng lifestyle. Sa totoo lang, kaya mo rin ‘yan kung i-simplify mo lang ang buhay mo at piliin mong samahan ang mga taong on FIRE din ang mindset.
Ako mismo, nung financially retired ako at 31, ang monthly expenses ko ay PhP50,000 (noong 2009). Ngayon, katumbas na ito ng PhP109,000 sa 2025 dahil sa 5% inflation. Yung ganitong halaga every month from my passive income ay di maituturing na magarbo. Hindi kailangan maging sosyal para mag-retire nang maaga.
- Magkaroon ng Matibay na Financial Foundation
Bago mag-invest:
- Emergency Savings: Dapat may 9 months’ worth of expenses na madaling ma-access.
- Insurance: Health insurance dapat ay katumbas ng 1 year salary. Life insurance? Optional lang kung may dependents o utang na maipapasa sa mga dependents tulad ng mortgage.
- Bayaran ang utang: Isa ito sa pinaka-panghinayang ng mga retirees — hindi pa bayad utang bago mag-retire. So the earliest possiblena makabayad ka sa utang, the better.
- Bumuo ng Stable Passive Income
Ito ang pinaka-crucial sa lahat: Dapat kayang tustusan ng passive income mo ang 100% ng expenses mo.
- Rent
- Dividends
- Capital gains
- Royalties
- Pension
- Interest
Kung mas mataas pa diyan ang passive income mo kaysa gastos — hello, FIRE status!
- Pumili ng Tamang Investments — ‘Yung SEXY
S – Secure,
E – Encashable (liquid),
X – may X-factor (may social or environmental impact),
Y – bago mo isipin ang Yield.
Pundasyon ng Retirement Fund:
- SSS: Mag-maximum contribution. Gamitin din ang pension booster.
- Pag-IBIG MP2: Tax-free, guaranteed, 5-year savings.
Ibang Recommended Investments:
- Rental property
- Cooperative time deposits (tax-free, high impact, pero not PDIC-insured)
- Rural bank time deposits (PDIC-insured up to 1M)
- Retail Treasury/Retail Dollar Bonds
- Cooperative share capital
- Money market and bond funds (good for liquidity)
- REITs (kung mababa pa market)
Iwasan para sa retirement planning:
- VUL — super nega!
- Stock market — para sa ultra-rich lang
- Mutual Funds/UITFs with stock exposure
- Crypto and NFTs — too volatile!
- Iplano ang Meaningful and Productive Retirement
Hindi lang ‘to tungkol sa pahinga. Dapat may purpose ka rin.
- Handa ka ba sa longevity risk?
- Covered ba ang healthcare costs mo?
- May estate plan ka na ba? Para iwas-away. Gumamit ng corporation kung kailangan.
At higit sa lahat, kausapin ang pamilya mo. Dapat alam nila ang plano mo — para hindi ka maging burden sa kanila, at para may support system ka rin sa pagtanda.
Ang pagyaman, mga KaSosyo at KaNegosyo, napag-aaralan at napagtutulungan. Simulan na ang retirement planning habang may panahon pa — para hindi abutin ng 80 bago maka-retire.
Ako si Sir Vince, financial guro at your service.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent