Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!
Sino ba ang hindi naaapektuhan ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina ngayon? Dahil ang gasolina ay napakahalagang sangkap sa ating supply chain at transportation, ramdam na ramdam natin ang domino effect nito sa pagtaas ng presyo ng ating mga pagkain at pangunahing bilihin. Kaya ang paulit-ulit kong paalala sa inyo: Do not splurge dahil may oil surge!
Pero alam ko rin naman na kahit patuloy ang paghihigpit natin ng sinturon, we must live life to the fullest din hanggang sa ating makakaya. Minsan, gusto rin nating magbakasyon kasama ang pamilya o ireward ang ating sarili. Ang tanong: Saan ba dapat kinukuha ang panggastos para rito?
Dito napaka-importanteng malaman natin ang pagkakaiba ng iyong Emergency Fund at ng iyong Happy Fund.
Ang Emergency Fund ay ang ipon mo para sa tinatawag nating “rainy day”. Ang target natin dito ay makabuo ng equivalent sa 9 months ng iyong expenses. Ang pondong ito ay sagrado! Ginagamit lamang dapat ito sa panahon ng mga matitinding pangangailangan o extreme events, tulad ng kapag ikaw ay naaksidente, nagkasakit, may namatay sa pamilya, o biglang nawalan ng trabaho.
Sa kabilang banda, ang Happy Fund ay ang iyong savings for a “sunny day”. Ito iyong ipon na nakalaan para sa iyong pagbabakasyon, paglabas, at iba pang mga wants o luho.
May dalawa akong mahigpit na rule pagdating sa mga wants at pagbabakasyon: Unang-una, huwag kang mangungutang para lang mag-travel o lumabas, dahil non-productive iyan. Pangalawa, huwag mong huhugutin ang panggastos mo mula sa iyong Emergency Fund! Kung nakadukot ka man doon para magbakasyon noong nakaraan, kailangan mo itong ireplenish o ibalik agad.
Kung gusto mo talagang ilevel up ang iyong financial diskarte, ang pinakamagandang panggastos sa iyong mga luho at reward sa sarili ay hindi dapat manggaling sa active income mo, kundi sa passive income—iyong kinikita ng iyong mga investments.
Dahil nasa gitna tayo ng oil crisis at napaka-uncertain ng mga panahon ngayon, ang payo ko ay iprioritize natin ang ating mga needs at ipagpaliban muna ang mga wants at paglabas hangga’t kaya. Kapag pinagpapaliban natin iyan, naiipon ang ating resources para kung sakaling may biglaang emergency ay mayroon tayong magagamit.
Para sa mga kumikita ng P25,000 pababa kada buwan, ituloy lang natin ang ating 5-10-85 budgeting rule bilang blueprint natin ngayong krisis: 5% sa insurance, 10% sa savings, at 85% para sa ating mga pang-araw-araw na gastusin. Laging tandaan na ang pinakamabilis na paraan ng pagyaman ay ang pagdahan-dahan.
Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent