Sawang-sawa ka na bang magbayad ng rent?
Gusto mo bang magkabahay na matatawag mong sarili mo na?
Puwes, ito ang mga dapat gawin mo.
Make a plan
Gumawa ng timeline kung kailan mo gustong magkaroon ng bahay. Long term ang pagpaplanong ito. In our case ng partner ko, it took us 10 years before we were able to build our house.
Determine value of house
Included sa plan kung magkano ang budget na gagastusin para magpatayo ng bahay. Sa aking 3-20-20-20 housing rule, ito dapat ay hindi lalagpas sa three years na kita (combined income kung may partner).
Halimbawa kumikita ka ngayon ng PhP25,000 per month. Ang maximum housing na afford mo ay hanggang PhP900,000.
Down payment
Sa 3-20-20-20 housing rule, kinakailangang mag-ipon ng 20% equivalent ng target house value bago kumuha ng housing loan. Ito ay para 80% lang ang uutangin at hindi buo.
Sa example natin, ang down payment goal ay PhP180,000. Marahil ay mabibigla ang isang taong kumikita lamang ng PhP25,000 per month kung paano ito maiipon.
Simple lang, kung susudin ang 5-15-20-60 budgeting rule ko, 15% ng kita at itatabi bilang savings. Ito ay PhP3,750 base sa PhP25,000 na kita. Makukuha ang goal na PhP180,000 sa loob lamang ng 48 months o apat na taon (PhP180,000 divided by PhP3,750 per month).
Mas mapapabilis pa ito kung maghahanap ng karagdagang source of income pandagdag sa savings; pati na rin ang pagtatabi ng bonus at 13th month pay.
Get housing loan
Hindi naman kinakailangang ipunin lahat para magkaroon ng bahay. As I mentioned, 80% ng house value ay puwedeng kunin as loan matapos mag-save ng 20% equivalent for down payment. This is a good move espcialy kung mas mababa ang babayarang amortization compared sa kasalukuyang rent.
Commit to save and invest
Mapapatunayang desididong at determinadong magkaroon ng bahay kung pag-iipunan ito at ilalagay sa secure investment. Long term ang pag-iipon para dito kaya kailangan talaga ng commitment to save and invest.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent