was successfully added to your cart.

Cart

Debt-free and pure equity by 2020

Noong 2016, dumaan ang malaking pagsubok sa aking financing company. May tatlo kaming organisasyon na nanganin na aabot sa mahigit PhP100 million ang halaga.

SEDPI Development Finance, Inc. (SDFI)

Itinatag ko ang SDFI noong 2008, spinoff ito sa lending program namin sa training, research and consulting firm namin, ang Social Enterprise Development Partnerships, Inc. (SEDPI) na itinatag naman namin noong 2004.

Nagbibigay ng wholesale financing ang SDFI sa mga microfinance institutions tulad ng kooperatiba, microfinance NGOs at rural banks nationwide. Noong 2016, umabot sa PhP339 million ang total resources namin.

3 clients in danger

Sa parehong taon, nakaranas kami ng malubhang pagsubok dahil sa tatlong kliyente namin. Hindi naging maganda ang kanilang financial performance at nanganib na baka hindi kami mabayaran.

Ang unang organisasyon ay isang microfinance NGO sa Central Luzon. Tinamaan sila ng bagyo at nagkaroon ng mga fraudulent activities sa loob kaya dalawang taon silang net losses. Aabot sa PhP30 million ang exposure namin sa organisasyong ito.

Isang kooperatiba naman sa Nortnern Luzon ang nagkaproblema at nasa PhP60 million ang exposure namin. Naging biktima kasi sa Resorts World incident ang kanilang General Manager na siya naming pinagkakatiwalaan sa pagbibigay ng loan sa kanila.

Pangatlo ang isang microfinance NGO sa Mindanao na pinapatakbo ng isang pari. Hindi ko sukat akalain na alam ng pari ang mga fraudulent activities sa kanila dahilan ng kanilang pagsasara. Nasa PhP12 million naman ang exposure namin dito.

Overcame challenges

 Kakatapos lang ng 2018 audit at nakahinga ako nang malalim dahil umabot kami sa breakeven level. Ibig sabihin hindi kami nalugi in spite of the challenges that we made.

Dahil sa masusi naming pagbabantay, nakabayad nang buo sa amin ang microfinance NGO sa Central Luzon at Kooperatiba sa Northern Luzon. Tuluyang hindi nakapagbayad ang Microfinance NGO sa Mindanao, ang nag-iisang microfinance institution na hindi nakapagbayad sa amin in our 15 years of existence.

Blessing in disguise

Para makasingil kami sa microfinance NGO sa Mindanao, tinakeover namin ang dalawang branches nila, isa sa Agusan del Sur at isa sa Surigao del Sur. Matinding sakripisyo ang ginawa ko para buhaying muli ang dalawang branches na ito para makabawi.

In the end, nakabawi kami ng halos PhP3 million na portfolio na siya naming pinaikot kasama ang capital infusion namin. Sa awa ng Diyos, ito ngayon ang pinaka profitable na business unit namin.

From PhP3 million in 2016, napalago namin ito to PhP21 million noong 2018. Mula 2 branches, naging limang branches ito in just 2 years.

Zero debt

 Dati ay ganado akong manghiram sa mga bangko para makapag-invest sa mga microfinance institutions. Pero na-realize ko na ako ang ginawang risk mitigation strategy ng commercial bank para hindi sila magkaroon ng direct hit.

Commercial bank loans ang majority na source of fund namin dati. Kahit na hindi nakapagbayad ang microfinance NGO sa Mindanao, obligado pa rin kaming magbayad sa mga commercial banks.

Doon ko na-realize na ang risk na tinetake ko ay hindi pala commensurate sa rewards na nakukuha ko. Kaya, ang goal ko ngayon ay magkaroon ng pure equity as source of funda at babayaran ko na ang lahat ng commercial bank loans namin.

Equity as source of capital

Ang balak namin ay equity na ang magiging sole source of capital namin by 2020. Ibig sabihin nito ay babayaran na namin ang lahat ng aming loans from commercial banks at magiging equity or sariling kapital na lamang ang gagamitin bilang pondo ng organisasyon.

Nagsimula kaming gawin ito noong 2017 kaya bumaba mula PhP339 million ang total assets namin papuntang PhP200 million. Last year nasa 180 million na lang kami dahil bayad na ang mga loans from Cordaid, Union Bank at Bank of the Philippine Islands.

Ngayon taon hanggang sa 2020, susubukan naming bayaran ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines.

Issuer of security

Magagawa namin ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng preferred shares at pag-issue ng certificate of debt assignment sa mga investors. Nagsisimula na kaming maghanda ng mga papeles para iprocess at ipa-approve ito sa Securities and Exchange Commission.

Ito ang magiging pangalawang secondary license ng SDFI. Ang naunang secondary license namin ay ang lisensiya para maging financing company.

Share investment vehicles

Sa pamamagitan nito maise-share ko ang mga investments ko sa publiko. Ang kaibahan ng mga investments na ito ay ang strong social and environmental component ng mga sinsusuportahang enterprises.

Magtatayo din ng SEDPI Cooperative, kung saan ang mga mkyembro ay magbibigay ng savings deposit at share capital para pondohan ang mga microfinance institutions at social enterprises. Ito ang magiging pang-anim na organisasyong itinayo ko kabilang sa SEDPI Group of Social Enterprises.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: