was successfully added to your cart.

Cart

Sa video na ito, ibabahagi ko ang aking journey patungo sa financial freedom. Ang journey ko ay puno ng mga investments na unti-unti kong isasalaysay.

 

Ipinanganak ako sa Quirino province at lumaki akong mahilig sa kalikasan. Narito ang ilang throwback photos: ako noong isang taong gulang pa lang, at noong ako’y nasa Grade 1—kitang-kita na ang aking flair! Sa edad na walong taon, nagbukas ako ng kiddie savings account sa isang kooperatiba, at sa sampung taong gulang, nag-time deposit ako sa rural bank sa amin.

 

Fast forward sa aking college days, sa edad na 20, nagsimula akong magbenta ng personal computers at mobile phones. Nagturo rin ako at nagkaroon ng rummage sale sa edad na 21, at natapos ko ang aking bachelor’s degree. Diretso trabaho sa isang NGO, kung saan nagsimula ang aking paglalakbay sa social development work. Mahalaga ang pagkakaroon ng SSS (o GSIS fo government employees) para sa retirement. Dito yan nag-umpisa.

 

Naging aktibo rin ako sa pagjoin sa cultural exchange programs at conferences, kabilang ang isang memorable na trip sa Japan. Sa edad na 22, nagsimula na rin akong mag-live-in kasama si Edwin at dumaan sa iba’t ibang business ventures. Nagsimula akong magturo sa Ateneo sa edad na 24, at dito rin kami unang bumili ng sasakyan ni Edwin.

 

Sa edad na 25, itinatag ko ang SEDPI, isang training, research, at consulting organization. Nagtapos ako ng master’s sa Asian Institute of Management at 26, at nagtayo ng residential rental property, isang magandang source ng passive income para sa retirement. Nagpatuloy ang aking paglalakbay sa pagtatayo ng financing company at pag-invest sa cooperatives, na mas naging rewarding kumpara sa stock market investment.

 

Sa edad na 29, sinimulan ko ang aming financial literacy program. Opisyal na kami ni Edwin na financially retired sa edad na 31. Nagbukas din kami ng personal equity retirement account, at sa 32, itinayo namin ang aming dream house. Nagkaroon din kami ng co-ownership sa isang bangko at naging finalists sa Entrepreneur of the Year Awards ng Ernst and Young.

 

Nag-publish ako ng libro, nagsimula ng social media career, at tumanggap ng iba’t ibang awards. Nagkaroon din kami ng mga memorable family vacations, at patuloy ang pag-spoil ko sa aking pamilya.

 

Sa edad na 40, tumanggap ako ng service award mula sa Ateneo at nag-invest sa land banking. Nagpatuloy ang pagkilala sa aking mga kontribusyon, kabilang ang pagtanggap ng award mula sa SSS at Pag-IBIG. Sa edad na 42, nakatanggap kami ng Silver Button Award mula sa YouTube, at nagpatuloy ang mga family vacations.

 

Naging financially retired ako sa edad na 31, at ngayon, may anim na korporasyon at isang kooperatiba, na may kabuuang assets na umaabot sa 350 million. Mayroon kaming commercial at residential properties, at aktibo sa pag-publish at pag-share ng kaalaman sa financial literacy.

 

Ang sikreto sa tagumpay? Apat na K: kaalaman, kakayahan, kakilala, at kapalaran. Pero sa kabila ng tagumpay, nakipaglaban ako sa depression. Ang tunay na sukatan ng tagumpay para sa akin ngayon ay hindi na sa laki ng aking naipon kundi sa dami ng natulungan.

 

Sa pagtatapos, nais kong ibahagi ang kahalagahan ng paghahanda para sa retirement at pagiging instrumento ng kaligayahan. Hangad ko na maging inspirasyon ang aking kuwento para sa inyong paghahanda sa retirement.

 

Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: