was successfully added to your cart.

Cart

Client protection principles para sa mga borrowers

Matagal na akong nagtatrabaho sa larangan ng social development particularly sa microfinance, dalawang dekada na ngayong 2020. Libo-libong financial institutions na ang nakasalamuha ko at nabigyan ng training kug paano magbigay ng maayos na financial services sa mga low income groups at microenterprises.

Noong 2008, nagtayo kami ng partner ko financing company na nagiinvest sa mga microfinance institutions tulad ng mga microfinance NGOs, kooperatiba at rural banks. Nitong 2016, nagsimula kaming magabigay ng direktang financial services sa mga low income groups.

Sa loob ng marami at malawak na karansang ito, lagi naming isinasaalang-alang ang sustainability kung saan maipagpapatuloy ang pagbibigay ng produkto o serbisyo na nakakapagpabuti sa buhay ng tao. Sa turo at sa gawa, sinusunod namin ang mga sumusunod na client protection principles para sa aming borrowers. 

Ang mga client protection principles ay nakabase sa Smart Campaign, isang international certification standard.

Appropriate product design and delivery

Ang sentro ng aming pagbibigay ng financial services ay para sa ikabubuti ng kapakanan ng aming kliyente. Hindi dapat nakakasama sa kanila ang terms and conditions, features at delivery at ito ay institutionalized sa aming financial product design.

Tintingnan namin kung anu-ano ang pangangailangan ng mga kliyente at inaayon ang disenyo at paghahatid ng financia services sa kanila sa mga ito. 

Halimbawa, alam naming mahal para sa mga kliyente ang magpunta sa aming opisina para ihatid ang kanilang bayad. Kaya sa aming collection, ang mga staff namin ang pupunta sa kanilang barangay para kami ang kumuha ng kanilang bayad sa lugar ng kanilang trabaho o tirahan para convenient at iwas gastos para psa kanila.

Prevention of over-indebtedness

Patuloy naming tinitingnan kung may kakayahang magbayad ang aming mga kliyente sa kanilang utang at sinisigurong hindi sila mababaon dito. Ginagamit namin ang cash flow method at iba pang credit processes upang tingnan ito kasabay ng obserbasyon sa business o economic activity ng aming kliyente. 

Minomonitor namin ang pagkakautang ng aming kliyente hindi lamang sa amin kundi pati na rin sa ibang tao at institusyon upang masigurong hindi sila mabaon sa utang. Nakikipagugnayan din kami sa awtoridad para magbigay ng impormasyon tungkol dito.

Transparency

Nagbibigay kami ng malinaw, sapat at napapanahong impormasyon sa paraan at lengwaheng naiintindihan ng aming kliyente. Mapapansin na ang aming mga forms ay nakasulat sa Filipino at karaniwang may kasamang comics na nagbibigay paliwanag sa mga policies and procedures ng kumpaniya pati na rin ang mga product features.

Binibigyan namin ng emphasis ang impormasyon tungkol sa presyo o interest rate, at terms and conditions ng loan na kanilang pinapasok. We even go a step further at nagbibigay kami ng financial literacy training sa mga miyembro namin buwan-buwan. 

Bago din irelease ang loan sa kanila, nagbibigay kami ng reorientation sa aming mga miyembro upang paalalahanan sila sa kanilang responsibilidad sa utang at paano ito gamitin nang tama. Ginagawa namin ito upang magkaroon ng kakayahang pumili ang ga kliyente namin ng maayos na desisyon tungkol sa utang at sa pera. 

Responsible pricing

Binabalanse namin ang presyo o interest rate ng aming loans upang masigurong hindi mahihirapang magbayad ang aming kliyente na hindi rin kami malulugi. Nagbibigay din kami ng returns sa cash deposit o savings ng aming kliyente sa amin.

Nasa negosyo kaming ito para tuparin ang misyon na makatulong sa pag-angat sa antas ng pamumuhay ng aming mga kliyente at pagkakaroon ng malusog na kita ang institusyon. Makakamit ito sa pamamagitan ng katamtamang presyo sa aming financial services.

Fair and respectful treatment of clients

Itinutiring ng aming mga empleyado ang lahat ng aming kliyente nang patas at may respeto. Binibigyan namin sila ng training upang masigurong maiwasan ang reklamo at masiguro ang mataas na client satisfaction sa aming organisasyon. 

Binabawalang magbase ng desisyon sa pagbibigay ng serbisyo ang mga empleyado base sa kulay ng balat, relihiyon, kasarian at iba pang discrimination practices. Naglalagay din kami ng sapat na paraan upang masigurong walang korapsyon, agresibo at abusadong transaksyon lalung-lalo na sa marketing ng aming financial services at pangongolekta.

Privacy of client data

Sinusunod namin ang data privacy act. Ginagamit lang namin ang impormasyon ng aming kliyente para sa specific na gamit nito sa oras na nakuha ito. 

May mga impormasyon kaming kinukuha sa aming mga kliyente na ginagamit namin para sa research at ang mga ito ay hinihingan namin ng pahintulot para gamitin.

Mechanisms for complaint resolution

Proactive kami na resolbahin ang mga reklamo mula sa aming mga kliyente. May paraan kung saan sila ay malayang nakakapagsabi ng kanilang hinaing na hindi natatakot at siguradong pakikinggan. 

Agaran ang aksyong ibinibigay sa mga reklamo upang lalo pang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo dahil naniniwala ang aming organisasyon na oportunidad ang mga pagkakataong ito para pagandahin ang aming financial service delivery.

Look for financial institutions who put YOU first

Hanapin ang mga client protection principles na ito sa kukunan ng financial services. Tanungin ang sarili kung prayoridad ba ng organisasyon na pabutihin ang iyong buhay o gusto lamang nitong kumita mula sa iyo.

Tandaan na may kapangyarihan kang pumili ng produkto o serbisyo na makakapagpabuti sa kalagayan mo sa buhay. Piliin ang mga organisasyong makakatulong sa iyong magawa ito.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: