was successfully added to your cart.

Cart

Budgeting Guide sa Gitna ng Krisis sa Presyo ng Langis

Mga KaSosyo at KaNegosyo! Kumusta ang inyong mga bulsa? Ramdam niyo ba ang init? Hindi lang dahil sa summer, kundi dahil sa nagbabagang presyo ng bilihin! Sabi ng PSA, pumalo na sa 4.1% ang inflation noong nakaraang buwan. At naku, asahan nating tataas pa yan pagdating ng April, May, at June.

Gusto ko sanang magbahagi ng isang mahalagang paalala sa gitna ng kinakaharap nating krisis sa langis: “Do not splurge dahil may oil surge!”

Ang “5-10-85” Rule ni Sir Vince

Kapag ang kita mo ay P25,000 pababa, heto ang formula para hindi tayo laging “kapit sa patalim”:

  • 5% for Insurance: Proteksyon ito, hindi dagdag-pabigat. Para kung may mangyari, hindi wasak ang finances.
  • 10% for Savings or Emergency Fund: Iyan ang iyong “Rainy Day” fund.
  • 85% for Expenses: Dito mo pagkakasyahin ang lahat—pagkain, kuryente, tubig etc.

Kung nahihirapan kang mag-ipon ng 10% agad, simulan nang paunit-unti. Consistency is key, dahan-dahan pero sigurado. Pagkalipas ng ilang buwan, ilevel up mo na hanggang maabot mo ang target.

Emergency Fund vs. Happy Fund

Marami sa atin, naguguluhan dito. Ang Emergency Fund ay para sa mga “extreme events”—aksidente, sakit, o biglang nawalan ng trabaho. Huwag itong gagamitin pambili ng wants – tulad ng gadgets, travels at pamporma!

Kung gusto mong mag-travel o bumili ng wants, dapat may hiwalay kang Happy Fund (Savings for a Sunny Day). Pero ang pinakalevel up na diskarte? Kunin ang pang-reward sa sarili mula sa Passive Income o kinikita ng iyong investments. ‘Yun ang tunay na flex!

Utang: Ang Asawa ng Kahirapan

Maniwala kayo sa akin, ang utang ay asawa ng kahirapan. Kung mangungutang ka lang para sa non-productive na bagay tulad ng bakasyon, ay naku, huwag mo nang ituloy! That’s not the proper way of using loans. Dapat gamitin ito sa kumikitang bagay lamang.

Kung hindi maiwasan ang utang, siguraduhin na ang monthly amortization mo ay hindi lalagpas sa 30% ng iyong kinikita. Halimbawa, kung P20,000 ang sahod mo, dapat P6,000 lang ang maximum na pambayad utang mo buwan-buwan. Malaki kasi ang effect niyan sa budget, imagina ang liit na nang matitira for your expenses.

If we follow the rule na 5% for insurance at 10% for savings in this example, P3,000 yun. So P11,000 na lang ang matitira for expenses dahil P6,000 ipambabayad sa utang. Mahirap pagkasayhin di ba? Ang nangyayari tuloy, hindi na lang nag-iipon at nagpapainsure. Although hindi ideal financial move ito, di ko rin naman totally maisisisi dahil siyempre, may mga pangangailangan at gastusin tayo para mabuhay.

Role of the Government

Structural ang problema natin. Ang presyo ng gasolina ay may domino effect sa lahat, lalo na sa pamasahe at pagkain. Kaya naman, nananawagan din tayo sa gobyerno na mag-provide ng affordable public transport at ikonsidera ang windfall tax sa mga gas companies na kumikita nang limpak-limpak habang tayo ay naghihirap.

Pero habang wala pa ‘yan, unfortuately wala tayong choice, diskarte na lang ulit. Ipagpaliban muna ang mga wants hanggang hindi pa sigurado ang panahon.

Ako si Sir Vince, financial guro at your service. Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.