was successfully added to your cart.

Cart

Bakit Bawal Itigil ang SSS at PhilHealth Ngayong Krisis

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!

Lahat tayo ngayon ay bugbog na bugbog sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina at sa taas ng ating inflation. Ramdam na ramdam natin ang epekto nito sa ating pang-araw-araw na budget. Kaya nga ang palagi kong paalala at main guideline sa inyo ngayon ay: Do not splurge dahil may oil surge!

Dahil sa matinding krisis, may nagtanong sa akin at may naririnig din akong mga politiko na nagmumungkahi na itigil muna raw ang pagbabayad o pagkaltas sa PhilHealth, SSS, at Pag-IBIG contributions para makatipid. Ang reaksyon ko? Oh my God, napa-eyeroll na lang ako!.

Mga KaSosyo at KaNegosyo, dapat hindi natin itinitigil ang pagbayad sa PhilHealth, SSS, at Pag-IBIG. Kung nagpapapogi points lang ang mga politikong iyan na nagsasabing itigil ang kaltas, sana man lang ay may budget silang ipapalit o kaya ay tanggalin nila ang excise tax at VAT. Pero habang wala, heto ang mga dahilan kung bakit napaka-importante na ipagpatuloy natin ang ating mga kontribusyon:

  1. PhilHealth: Ang Ating Group Savings

Ang PhilHealth ay para bang group savings nating sambayanang Pilipino. Kapag nagbabayad tayo ng contribution, tinutustusan natin ang pangangailangan ng mga nagkakasakit. Tayong mga malalakas ay tumutulong sa mga may sakit, at tayong mga mas nakababata ay tumutulong sa mga senior citizens na hindi na nagbabayad ng contribution. Napakahalaga nitong social safety net lalo na kung magkasakit ang miyembro ng iyong pamilya. 

  1. SSS: Ang Pondo Para sa Iyong Future

Ang SSS ay inihahanda natin para sa ating retirement in the future. Kapag itinigil natin ang pagbabayad nang walang subsidy galing sa gobyerno, maeendanger ang actuarial life ng ating pension fund at magkakaroon ito ng negative effects sa atin in the future. Kung ikaw ay isang micro o nano enterprise at talagang bumaba ang income mo ngayong krisis, puwede mong i-reduce ang contribution base sa income bracket mo, pero huwag mong itigil!.

  1. Pag-IBIG: Pananggalang sa Disasters

Ang pera natin sa Pag-IBIG ay ginagamit para sa pagpapatayo ng bahay. Napaka-importante na magkaroon tayo ng sariling bahay dahil ito ay isang epektibong social safety net at pananggalang laban sa mga disasters, para tayo ay manatiling protektado at malusog.

Naiintindihan ko na mahirap talaga ang buhay ngayon. Sa mga empleyado, automatic naman ang kaltas niyan. Pero sa mga self-employed o may mga maliliit na negosyo, ipagpatuloy pa rin natin hangga’t kaya natin. Siyempre, hindi rin naman natin dapat isakripisyo ang buhay natin at ang ating mga basic needs para lang dito. Kaya nga patuloy nating ipinapanawagan sa gobyerno na sana, yung mga kababayan nating nanoenterprises at below minimum wage earners ay mabigyan ng subsidy mula sa gobyerno para sa kanilang PhilHealth, SSS, at Pag-IBIG contributions.

Sa panahon ng krisis, ang mga social safety nets na ito ang sasalalo sa atin kapag may dumating na mas malaking emergency.

Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!

 

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.