Last year, napakaraming nag-message sa akin tungkol sa problema nila sa online lending platforms. Maraming naglipana sa Internet at sa mga apps na nangeenganyong magbigay ng loan sa madaling paraan.
Ang hindi sinasabi ng mga online apps na ito ay nagpapataw sila ng napakataas na interest rate. Ang pinakamataas na nakita ko ay 2.5% per day!
Bukod diyan, gmagamit din sila ng mga unfair debt collection practices.
Ito ang mga online lending platforms na ipinasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa dami ng reklamong natanggap sa mga ito. Wala ring lisensiya ang mga ito na mag-operate ng online lending business sa Pilipinas.
Online lending platforms with SEC cease and desist orders
|
|
|
Ipinagutos ng SEC ang pagsasara ng operasyon ng mga ito. Pinapahinto silang mag-offer at mag-advertise ng kanilang lending business sa internet. Pinapadelete at pinapatanggal din sa kanila ang lahat ng kanilang promotional presentation at offering kasama ng kanilang mga apps sa internet.
Kung hindi sila susunod ay maari silang mapatawan ng fine ng PhP10,000 hanggang PhP50,000 o makulong ng anim na buwan hanggang 10 taon. Maaring magkasabay na fine at pagkakulong din ang ipapataw sa kanila.
Reklamo laban sa online lending
Dinumog ng reklamo ang SEC laban sa mga online lending platforms. Kabilang dito ang paggamit ng mga online lending platforms ng collection practices na ipinapahiya o kinukutya ang mga may utang sa publiko.
Napakataas ng interest na ipinapataw ng mga online lending platforms na umaabot hanggang 2.5% kada araw. Unreasonable din ang kanilang mga terms and conditions.
Hindi transparent ang transaction at hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa loan ang mga online lending platforms ayon sa mga biktima nito. Vinaviolate din daw diumano ang kanilang right to privacy.
Dahil sa mga reklamong ito, naglunsad ng imbestigasyon ang SEC at nalaman na ang mga online lending platforms na nasa listahan sa itaas ay lumabag sa batas at gumawa ng anuman sa mga sumusunod: (a) pambabastos sa pangongolekta; (b) high pressure method of collection; (c) misrepresentations; at (d) unreasonable terms and conditions.
Online lending modus operandi
Ayon sa SEC, kinukuha ng mga online lending platforms ang personal na impormasyon ng borrower na nakatago sa kaniyang mobile phone tulad ng contact numbers, Facebook accounts at email addresses. Pinapadalhan ng online lending platform ang mga contacts na ito tungkol sa hindi pagbabayad ng loan ng borrower.
May ibang lending platforms na nananakot na magsasampa ng kaso sa borrower at inaanunsiyo ito sa contacts ng borrower. Ang iba ay gumagamit ng public shaming sa social media upang puwersahing magbayad ang borrower.
Epekto sa borrowers
Dahil sa mga unfair collection practices ng mga online lending platforms nagdulot ito ng depression, sleepless nights, humiliation at health issues sa mga borrowers.
Umiwas sa online lending
Naglipana sa panahon natin ang mga taong gusto mangabuso at manloko sa atin. Kaya dapat ay aramasan natin ang ating sarili ng tamang impormasyon para makaiwas na maging biktima ng pangaabuso tulad ng mga online lending.
Laging tandaan na ang utang dapat ginagamit sa produktibong bagay. Hindi dapat tayo basta-basta kukuha nito lalo na kung napakataas ng interest.
Basahin ang mga sumusunod para madagdagan ang kaalaman sa gamit ng loans:
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent