Ano-ano ba ang iba’t ibang klase ng real estate investments na pwede nating pasukin?
Meron tayong ilang options dito. Ang real estate investment, ito ay binubuo ng lupa, mga gusali, at mga natural resources na nandyan. Pwedeng ibenta o ipa-renta ito para kumita.
Landbanking
Ang unang klase ng real estate investment ay ang land banking. Sa land banking, tumataas ang value ng lupa mo over time, pero hindi ito advisable for emergency purposes. Pero, secure ito basta hindi located sa hazard zone ang lupa mo, okay?
Memorial lot
Isa pang uri ng real estate investment ay ang memorial lot. Ang memorial lot o plan, ito ay transferable. Bumibili tayo ng lot sa mga memorial plan na ito at mas mura ito kapag hindi pa gagamitin. Bumili ka ngayon at antayin mo lang na tumaas ang value after 5 to 10 years, tapos pwede mo nang ibenta. Oo, medyo morbid kung iisipin pero practical naman. Pero kami ni Edwin, napag-usapan na cremation na lang, mas eco-friendly.
Rental property
Sunod, meron tayong rental o income property. Halimbawa, pwedeng low cost housing ang bilhin mo. Mag-down ka ng ₱100,000 tapos ang kabuuang halaga ng bahay ay ₱500,000. Pwede mong iloan ito sa Pag-IBIG. Mababa lang ang interest dito, 3% p.a. lang. Dapat lang mas mataas ang rental income kumpara sa loan amortization para positive ang cash flow mo.
Condominium
Kapag pinag-uusapan ang rental property, madalas ang default na iniisip ng iba ay condominium. Maganda ba talagang investment ang condominium?
Ang guideline sa real estate investing, kung nakakapagbigay ito ng rental income, considered ito as a rental investment. Dapat positive ang cash flow at dapat mabawi ang capital o investment within eight years. Kung idivide mo ang presyo ng condominium sa monthly rent at lumabas na more than 100 months ang kailangan para mabawi, hindi ito magandang investment dahil aabutin ito ng higit sa walong taon.
Ayon sa calculation ko sa condominium, umaabot ito ng 150, 180, 240, hanggang 300 months bago mabawi. So, hindi ito magandang investment, lalo na ngayon na wala na ang mga Philippine Online Gaming Organizations (POGO) na nagpapataas ng rental price.
Kapag bibili ka ng condominium, gawin mo muna ang research mo tungkol sa rental potential ng area bago ka magdesisyon. Magtanong-tanong ka muna. Halimbawa, kung bibili ka ng condo for rent, puntahan mo yung mismong condominium, tanungin mo yung guard kung magkano ang current rental rate doon. Yun ang dapat mong i-expect. Huwag kang basta maniniwala sa sinasabi lang ng nagbebenta o real estate egant. Tapos, verify mo rin ang info na nakuha mo sa ibang sources, halimbawa sa mga online listings.
Pwede kang mag-increase ng down payment para maikli ang payment term mo sa bangko kung hindi mo ito cash binabayaran. At least, dapat match ng loan amortization mo sa first year rental rate. Tapos, pwede mong i-adjust ang loan term kung mababa ang cash flow.
Target 8 years ROI
Pero para sa akin, kung hindi mo naman gagamitin ang condo bilang bahay o opisina, mas mainam na huwag ka na lang bumili. Mas maganda pa rin ang investment sa lupa base sa experience ko. Isa sa mga rental property ko ay condominium sa Loyola Heights, Quezon City. Sakto lang na 8 years bago ko nabawi ang investment ko. Tingnan niyo rin, lalo na yung mga second hand o hindi brand new na condominium, usually mas makakamura ka kaysa sa published rates.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent