Classic na tanong sa akin kung ano daw ang magandang investment. Ang lagi ko namang sagot ay hindi ko masasagot ito hangga’t di ko nalalaman kung ano ang purpose o financial goal.
Clarify financial goal/s
Marami ang umaasa na magbibigay ako sa kanila ng magandang “tip” sa investment at kung susundin nila ito ay sigurado na ang investment nila. Akala nila’y may natatangi akong alam na investment na siyang solusyon sa pag-iisip kung saan dapat mag-invest.
Ito ang unang dapat isipin sa pag-iinvest: linawin kung ano ang financial goal. Kinakailanhan maipaliwanag mo ang investment purpose o kung saan gagamitin ang investment.
Aggressive or conservative investor
Investing is not about whether you are conservative or aggressive. It is about how well you match your financial goals with the right investment vehicles.
Para sa akin, walang kinalaman ang pagiging agressive o conservative investor mo sa pag-iinvest. Ang mahalaga ay kung magiging daan ang investment upang matupad mo ang iyong financial goal.
Sa traditional investing, kung ikaw ay agressive investor ay sasabihing maari mong ilagay ang iyong pera sa investment na maaring malugi dahil kaya mo naman itong tanggapin. Kung conservative investor ka naman daw, dun ka lang sa maliliit ang kita pero wala halos lugi.
Mali ang kaisipang ito.
Security, liquidity then returns
Kung mahalaga ang financial goal – tulad ng edukasyon ng anak, retirement, pang-emergency at pabahay – kinakailangang pumili ng mga investment na mataas ang security. In fact, security ang unang dapat isinasaalang-alang kung pipili ng investment product, sunod ang liquidity pagkatapos saka lamang titingnan ang returns o kita.
Halimbawa, gusto nating humanap ng investment para sa pagpapaaral ng anak. Sa traditional investing, sasabihing puwede pumasok ang agressive investor sa stock market, equity at balanced funds ng mutual funds at UITFs. Bumaba man daw ang market value nito, ay kaya namang tanggapin ng isang agressive investor.
Kung mailalagay sa panganib ang pagtupad sa financial goal, para sa akin hindi tama ang mga recommended investment products sa traditional investing. Ipinagsasapalran mo kasi ang investment. Paano kung abutan ka ng pangangailangan at mababa ang market?
Nganga di ba?
Match financial goal with investment product
Kaya mo bang itaya sa stock market na maaring bumaba ang halaga ang perang gagamitin para sa pag-aaral ng iyong anak? Hindi di ba?
Ang dapat piliin ay yung investment na makapagbibigay ng pinakamataas na security na may mataas na kita. Hindi stock market ang tamang investment para dito.
Swak na swak ang PAGIBIG MP2 para dito dahil ito ay 100% guaranteed ng government at mataas pa ang dibidendong binibigay kada taon. Read: Investments for education of children.
Make a financial plan
Kaya napakahalagang gumawa ng financial plan para malaman kung ano ang priorities mo at malaman mo kung anong investment product para sa mga financial goals mo.
Remember: Always start with a purpose.
Makakatulong ang mga sumusunond na articles para sa iyo:
- Paano gumawa ng financial plan
- Pagpili ng tamang investment
- Invest in yourself
- Investment products
- Social investments
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent