Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!
Alam kong bugbog na bugbog na tayo sa dami ng krisis. Ramdam na ramdam natin ngayon ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa world market. Kahit hindi naman natin kagagawan ang mga gulo sa mundo, tayo ang direktang naaapektuhan dahil ang gasolina ay mahalagang sangkap sa supply chain, kaya sunud-sunod ang pagtaas ng mga bilihin.
Kaya ang unang-unang rule natin ngayon: Do not splurge dahil may oil surge. Iwasan muna natin ang mga unnecessary expenses. Dahil hindi rin naman sumasabay ang pagtaas ng ating kita sa pagtaas ng inflation, kailangan talaga nating ayusin ang pamamahala ng ating pera. Sa panahon ng krisis, dapat sa budget kumapit, para sa utang hindi tayo sumabit.
Paano natin ito gagawin? Kung ikaw ay kumikita ng P25,000 pababa kada buwan, ito ang inyong blueprint for financial survival—sundin natin ang aking 5-10-85 Budgeting Rule.
Ganito natin hahatiin ang iyong kita:
- 5% para sa Insurance: Ito ay para sa iyong life at health insurance. Napakaimportante nito, lalong-lalo na kung mayroon kang mga dependents, para mayroon tayong income replacement sakaling may mangyari sa atin.
- 10% para sa Savings o Emergency Fund: Ang goal natin dito ay makaipon ng equivalent sa 9 months ng iyong expenses. Ito ang bubunutin natin kapag may mga hindi inaasahang extreme events tulad ng pagkakasakit o pagkawala ng trabaho.
- 85% para sa Expenses: Ito na ang pagkakasyahin natin para sa ating mga pang-araw-araw na pangangailangan at gastusin.
Naiintindihan ko, mga KaSosyo at KaNegosyo, na minsan napakahirap magtabi lalo na kapag kinakapos pa sa araw-araw. Pero laging tandaan, ang pag-iipon ay parang pagdadiet at pagpunta sa gym. Kapag nag-crash diet ka o binigla mo ang pagbuhat ng mabibigat na weights, mashoshock ang sistema mo at hindi ito magiging sustainable.
Kung ang 10% ng P20,000 na sahod mo ay P2,000 kada buwan at hindi mo pa ito kaya, unti-untiin natin. Magsimula ka muna sa P500 kada buwan, at gawin mo itong consistent sa loob ng tatlong buwan. Pagkatapos ng 3 months, ilevel up mo sa P1,000, hanggang sa maabot mo ang P2,000 na target. Ang key talaga dito ay consistency hanggang sa maging second nature o habit mo na siya.
Para makaiwas sa “analysis paralysis” at hindi ka mapagod kakaisip kung magtatabi ka ba o hindi, gawin nating automatic ang pag-iipon. I-program mo na sa iyong bank app na tuwing kinsenas at katapusan, automatiko nang may pupunta sa iyong savings account.
Ang best time talaga para maghanda ay bago pa dumating ang krisis. Pero kung nagsisimula ka pa lang, better late than never. Simulan mo sa maliit at huwag mong ipagpaliban.
Ako si Sir Vince, financial guro at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent