was successfully added to your cart.

Cart

Ang 30% Rule of Borrowing: Diskarte sa Utang Ngayong Krisis

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!

Ramdam na ramdam nating lahat ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa world market. Dahil ang gasolina ay mahalagang sangkap sa transportation at supply chain, nagkakaroon ito ng domino effect kaya mabilis ding tumataas ang presyo ng ating mga bilihin tulad ng pagkain. Sa panahon ng krisis at pagtaas ng inflation, hindi ako magsasawang ipaalala sa inyo ang aking payo: Do not splurge dahil may oil surge!

Dahil sa hirap ng buhay ngayon at hindi naman sumasabay ang pagtaas ng ating sweldo, naiintindihan ko na marami sa atin ang kumakapit sa patalim at napipilitang mangutang para lang maka-survive araw-araw. Pero laging tandaan ang aking paalala: sa panahon ng krisis, dapat sa budget kumapit, para sa utang hindi tayo sumabit.

Lagi kong sinasabi na ang utang ay asawa ng kahirapan. Kaya kung hindi talaga maiwasan at kailangan ninyong manghiram ng pera, heto ang mga mahigpit na rules na dapat ninyong sundin para hindi kayo tuluyang malubog:

  1. Mangutang Lamang Para sa Productive Purposes

Ang utang ay dapat ginagamit lang sa mga bagay na kumikita o magpapasok ng pera sa inyo. Kung ang paglalagyan mo ng utang ay hindi naman kumikita, dapat iyan ay iniipon mo muna o kinukuha mula sa iyong sweldo. Kaya mariin kong ipinagbabawal ang pangungutang para lang magbakasyon, lumabas, o bumili ng luho dahil non-productive iyon. Kung inutang mo ang pang-travel mo, bad iyan at huwag mo nang uulitin.

  1. Sundin ang 30% Rule of Borrowing

Kung kailangan mo talagang mangutang, ang maximum na monthly amortization—o ang ibinabayad mo kada buwan para ibalik ang utang—ay hindi dapat lumagpas sa 30% ng iyong kinikita.

Paano ito sa totoong buhay? Halimbawa, kung P20,000 ang sweldo mo kada buwan, 30% niyan ay P6,000. Ibig sabihin, P6,000 lang ang maximum na dapat mong ibinabayad sa utang mo buwan-buwan. Masakit ito sa bulsa, dahil P20,000 minus P6,000, mayroon ka na lang P14,000 na natitira. Ang P14,000 na ito ang pagkakasyahin mo para sa renta, pagkain ng pamilya, pagpapaaral, insurance, at savings. Talagang kukulangin ka, kaya dapat gawing last resort ang utang at hindi natin ito ginagawang sandigan.

  1. Huwag Gawing Solusyon ang Utang sa Isa Pang Utang

Marami sa ating mga kababayan ang gumagawa ng “tapal-tapal” system—utang din ang ipinambabayad sa isa pang utang. Hindi ito magiging solusyon at lalo lang lalaki ang problema mo. Kung baon na baon ka na, ang pinakamagandang gawin ay kausapin ang iyong pinagkakautangan at aminin na hirap na hirap ka na. Makipagkasundo ka kung hanggang saan lang ang kaya mong bayaran para magkaroon ng end goal at matapos mo na ang utang.

Sa huli, hindi sustainable ang puro utang. Ang pinaka-epektibo at praktikal na solusyon pa rin ay ang pag-iipon at paghahanda bago pa dumating ang krisis. Balikan natin at sundin ang ating 5-10-85 budgeting rule para sa mga kumikita ng P25,000 pababa: 5% para sa insurance, 10% para sa savings, at 85% para sa mga pang-araw-araw na gastusin.

Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.