Gastos sa pagkakasakit ang isa sa mga dahilan ng kahirapan ng mga Filipino. Napakalaki kasi ng gastusin sa hospital, gamot at check up. Kasabay pa nito ang pagkawala ng oportunidad na kumita dahil hindi nakakapagtrabaho o negosyo kapag may sakit.
Kaya napakahalagang pangalagaan ang kalusugan para hindi pa humantong sa malaking gastos. Pero siyempre, kahit anong pag-iingat ang gawin natin, may mga panahon talagang dadatnan tayo ng karamdaman.
Ayon sa IBON foundation, 58% ng gastos sa pagkaksakit ay binabayaran nating mga Filipino dahil hindi pa kayang tustusan ito ng PhilHealth. Ayon naman kay Commissioner Funa, nasa PhP54 bilyon ang private insurance industry sa Pilipinas noong 2018 samantala PhP684 bilyon ang medical expenses ng mga Filipino noong 2017.
Malinaw na kailangan pa talagang paigtingin ang ating health insurance system. Inaasahan natin na magkakaroon ng improvement sa susunod na taon dahil na rin sa Universal Health Law na isa sa mga pangunahing batas na naipasa ni Sanator Risa Hontiveros.
Habang hindi pa kayang punan lahat ng ating public health care system ang pangangailangan natin sa pagkakasakit, magandang kumuha ng health insurance o health plans. Laging tinatanong sa akin kung ano ang maganda pero dahil hindi ako nagririkomenda, minabuti kong mag-research para malaman kung aling mga health insurance o health plan providers ang pinakamagaling magbenta ng kanilang produkto.
Narito ang listahan ng mga top health insurance at health plan providers sa Pilipinas based on premium income. Ang premium income ay kung magkano ang premium na nakolekta nila mula sa mga kilyente nila.
Warning sa pag-interpret ng results, premium income lang ang tintingnan sa ranking. Nagpapakita lamang ito kung gaano sila kagaling mag-market at mangolekta ng premium mula sa kliyente at hindi pa pinapakita kung gaano sila kagaling sa insurance claims at kaepektibo sa insurance coverage
Classified ang mga ito bilang life, non-life o Health Maintenance Organization (HMO) category. Click next para malaman kung anong kumpaniya ang top 1 premium income earner sa taong 2018.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent