Have a Question?
Pag-usapan muna natin ang mainit na balita ngayon—ang RA 12214, or Capital Markets Efficiency Promotions Act.
Ang batas na ito ay nagpapataw ng standardized 20% tax on all bank interest earnings. Emphasis po—interest lang, hindi ‘yung mismong savings mo ang tinatax. Hindi nababawasan ang principal mo—yung kita lang mula sa interest ang may tax.
Starting July 1, 2025 uniform na ang 20% withholding tax sa lahat ng klase ng interest income—Pesos man ‘yan o Dollars, savings, time deposits, bonds, etc.
May mga nagtatanong, “Sir Vince, di ba may withholding tax na talaga noon?” Tama! Meron na noon. Ang pagbabago ngayon ay sa uniformity ng rate.
Before RA 12214, ganito ang setup:
- Kapag less than 3 years ang term ng deposit, 20% talaga ang tax.
- Kapag 3 to <4 years, 12% lang.
- 4 to <5 years, 5% lang.
- At kung 5 years and up, 0% tax.
Kaya marami ngayon ang umaangal—lalo na yung mga merong time deposits na 5 years and above. Noon kasi, tinuturo ko pa nga, “Mag-5 years + 1 day kayo para 0% ang tax!” Pero ngayon, flat 20% na.
Kung nag-deposit kayo before July 1,2025 hindi kayo kasama sa bagong tax rates. So kung meron kayong 5-year time deposit na naipasok bago July 1, 2025, 0% pa rin ang tax until maturity. Hindi ito retroactive. Fair pa rin naman.
Ang effect ng batas? Lower net interest para sa mga long-term savers.
Sino ba usually ang may long-term savings? Syempre, yung mayayaman. Kaya para sa akin, okay lang na magkaroon ng 20% tax sa mga long-term investors. Kasi kung tutuusin, mas marami ang apektado dito na high net worth individuals. Although, I hear you, may mga middle-income savers din ang nadadamay.
Ang mga low-income savers? I doubt kung meron silang 5-year time deposits, very few siguro. Kasi nga kulang pa sa pang-araw-araw na gastusin ang kanilang kinikita. Hindi sila net saver.
Anong recommendation ko?
Simple lang: Mag-Pag-IBIG MP2!
Hindi siya apektado ng tax na ‘to. At syempre, andiyan din ang SSS My Pension Booster—voluntary ito at tax-free pa rin ang earnings.
Pero kung gusto natin ng mas patas na sistema, ito ang panukala ko: Progressive tax rate batay sa halaga ng savings mo.
- < Php 100,000 savings: 0% tax
- Php 100,000 to 500,000: 5% tax
- Php 500,000 to <1M: 10% tax
- > Php 1M: 20% tax
Diba mas inclusive ‘yan? Mas matutulungan natin yung mga naghihirap na mag-ipon. Kasi, kung Php 10,000 na lang ang pera ng isang tao, utang na loob, wag na natin i-tax ‘yung konting-konting interest na kikitain niya.
So calling-calling sa mga mambabatas natin: Wag niyo pong kalimutan—Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
Tulungan natin ang mga nasa low-income groups na makaangat sa buhay.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent