May dalawa tayong klase ng bad debt – past due debt at consumer debt. Past due debt ang tawag sa loan na hindi binabayaran, samantala, consumer debt ang tawag sa loan na ginagamit sa bagay na hindi kumikita.
Past due debt
Responsibilidad at obligasyon nating magbayad ng utang. Sa totoo lang, lumalabas ang tunay na character ng isang tao batay sa galing niyang magbayad ng kaniyang utang.
Past due ang tawag sa loan na hindi mo nabayaran sa due date, makalipas ang due date. Tinatawag na delinquent ang isang taong hindi nakakapagbayad ng kaniyang loan sa tamang oras.
Papangit ang ating credit history and subsequently ang ating credit score kung may past due loans tayo mula sa mga formal financial institutions. Kung nagkautang sa isang bangko at hindi ito nabayaran, malamang ay hindi makakulit sa ibang bangko dahil sila ay may sistema ng pagbabahagi ng kanilang negative list.
Negative list ang tawag sa listahan ng mga taong hindi nakapagbayad sa kanila.
Consumer debt
Halimbawa ng consumer debt ang utang para magbakasyon, bumili ng gadget, mag-shopping at marami pang iba. Basta hindi kumikita ang loan, malamang consumer debt ang classification nito.
Mag-practice ng delayed gratification para maiwasan ito. Mas magandang pag-ipunan ang mga consmer goods kaysa loans ang gagamitin para magkaroon nito.
Mas maganda kung passive income galing sa investments ang gagamiting pambili sa mga consumer goods. Ito ang ultimate form ng delayed gratification.
Limits sa utang
Sa personal finance, ang maximum monthly amortization o bayad kada buwan dapat sa utang ay hindi lalagpas sa 20% ng kabuuang kita. Sa balance sheet ang kabuuang ari-arian ay dapat higit pa sa katumbas ng 1.5 times ng liabilities
Laging tatandaan na obigasyon at responsibilidad nating magbayad ng utang. mas maganda ring galing sa passive income ang pambili sa wants kaysa loans.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent