was successfully added to your cart.

Cart

17th branch ng SEDPI KaNegosyo: Mas maraming members, mas malawak na pagtutulungan!

Isang makabuluhang tagumpay ang ating ipinagdiriwang ngayon—ang pagbubukas ng ika-17 na branch ng SEDPI KaNegosyo! Isa itong patunay na patuloy nating naabot ang mas maraming nanoenterprises, upang matulungan silang palakasin at palaguin ang kanilang kabuhayan.

Sa ngayon, umabot na sa 23,000 ang mga KaNegosyo members natin, at mula 2017, higit ₱35 million na ang naibigay nating damayan benefits. Ipinapakita nito na hindi lang negosyo ang ating pinapalago, kundi pati ang seguridad at proteksyon ng ating mga KaNegosyo laban sa mga hindi inaasahang pagsubok sa buhay.

 

Joint Venture Capital: Puhunan, Hindi Utang

 

Sa SEDPI KaNegosyo, hindi tayo nagpapautang—tayo ay namumuhunan! Ang puhunan na ating ibinibigay ay hindi loan kundi isang joint venture capital (JVC). Ibig sabihin, business partners tayo ng ating mga KaNegosyo. Dahil dito, wala tayong interest sa JVC, kundi isang service charge lang para sa operasyon ng ating programa.

At dahil may malasakit tayo sa ating mga KaNegosyo, wala rin tayong penalty kapag ang delay sa pagbabayad ay dahil sa pagkakasakit, kamatayan, o kalamidad. At kahit lumagpas pa sa maturity date, hindi tayo nagdadagdag ng anumang karagdagang singil. Ipinapakita nito na ang tunay na layunin natin ay hindi kumita mula sa kanila kundi tulungan silang lumago nang patas at makatarungan.

 

KaTambayayong: Tao Bago Dokumento

Alam natin na sa ibang microfinance, napakaraming dokumento ang hinihingi bago makuha ang insurance claims. Pero sa SEDPI KaTambayayong, dahil tayo ay damayan, tao ang inuuna, hindi papeles. Ang proseso natin ay mabilis at simple—minimal lang ang dokumentong kailangang ipasa, kaya sa loob ng isang linggo, makukuha na ang damayan benefits.

 

Ang salitang “Tambayayong” ay mula sa Bisaya at nangangahulugang pagtutulungan. At iyan mismo ang ginagawa natin dito sa SEDPI KaNegosyo—nagtutulungan tayo upang mapanatili ang seguridad ng ating mga KaNegosyo, lalo na sa panahon ng sakuna at pangangailangan.

 

KaBalai: Matibay, Ligtas, at Abot-Kayang Bahay

Hindi lang negosyo at proteksyon ang inaalok natin—kasama rin sa ating progreama ang pagbibigay ng maayos at ligtas na tahanan sa ating mga KaNegosyo. Sa pamamagitan ng SEDPI KaBalai, sinisigurado nating hindi lang abot-kaya ang pabahay, kundi ito rin ay matibay at nakasunod sa engineering standards upang makaiwas sa panganib.

 

Sa pamamagitan ng KaBalai, hindi na kailangang mangamba ang ating mga KaNegosyo sa seguridad ng kanilang pamilya. Kapag may maayos na tirahan, mas makakapagpokus sila sa kanilang negosyo at mas makakatulong sa pag-unlad ng komunidad.

 

Suporta mula sa mga SEDPI KaSosyo

Hindi magiging matagumpay ang SEDPI KaNegosyo nang wala ang matibay na suporta mula sa ating mga SEDPI KaSosyo—mga social investors na hindi lang naghahangad ng kita kundi pati positibong epekto sa lipunan. Ang ating KaSosyo ay hindi simpleng investors lamang; sila ay co-owners ng ating misyon na itaas ang antas ng pamumuhay ng ating mga KaNegosyo. Sa pamamagitan ng kanilang joint venture savings, naipagpapatuloy natin ang joint venture capital para sa ating mga nanoenterprises, na nagbibigay sa kanila ng mas patas, makatao, at sustinableng alternatibo sa tradisyunal na pautang.

Ngunit higit pa rito, ang ating KaSosyo ay tagapagtaguyod ng isang adbokasiya—isang kilusan ng social investors na inuuna ang tao at kalikasan bago ang kita. Dahil sa kanilang malasakit at pakikiisa, nagkakaroon tayo ng mas inklusibo at patas na sistemang pangkabuhayan kung saan ang pag-unlad ay hindi lang para sa iilan kundi para sa lahat.


Sa SEDPI KaNegosyo, Business Partners Tayo!

Ang ating misyon ay mas malaki pa sa pagpapalago ng negosyo—ito ay tungkol sa pagtutulungan, proteksyon, at pag-unlad ng bawat KaNegosyo. Patuloy tayong magsasama-sama upang mapalakas hindi lang ang kanilang kabuhayan, kundi pati ang kanilang kinabukasan.

Mabuhay ang SEDPI KaNegosyo! Mabuhay ang bawat Pilipinong nagsusumikap para sa mas magandang kinabukasan!

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, na nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: