was successfully added to your cart.

Cart

10 Paraan Para Makatipid sa Pamasahe at Gas Ngayong Krisis

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!

Sino ba ang hindi naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina ngayon? Alam kong bugbog na bugbog na tayong mga Pilipino sa dami ng krisis na ating pinagdaraanan. Dahil ang gasolina ay mahalagang sangkap sa supply chain at transportation, ramdam na ramdam natin ang domino effect nito kaya mabilis tumaas ang presyo ng ating mga pangunahing bilihin.

Kaya ang ating number one rule at main guideline ngayon: Do not splurge dahil may oil surge! Dapat sa budget kumapit, para sa utang hindi tayo sumabit.

Paano ba tayo makakapag-adjust at makakatipid araw-araw? Heto ang 10 diskarte ko para makatipid sa transportation na puwede ninyong simulan “now na”:

  1. Bawasan ang paglabas at planuhin ang biyahe Ipagpaliban muna natin ang mga hindi importanteng lakad at luho para hindi tayo gumastos sa pamasahe o gas. Kung kailangang lumabas, planuhin nang maayos ang mga pupuntahan para isang biyahe na lang. Puwede ring magpasabay o magpabili na lang doon sa mga lalabas na ninyong kasama sa bahay.
  1. Maglakad o magbisikleta Kung malapit lang naman ang pupuntahan mo, maglakad o magbisikleta na lamang. Napapansin ko sa iba diyan, dalawang kanto lang ang pupuntahan, nagta-tricycle pa! Lakarin niyo na iyan—it’s good for the heart, at makakatipid ka pa. 
  1. Mag-carpool o ride-share Kung papasok ka sa opisina, kausapin ang iyong mga ka-opisina o mga kapitbahay sa village na pareho mo ng ruta at mag-carpool kayo. Mas makakamura kayo kung paghahatian ninyo ang gastos, at puwede pa itong maging extra income kung may sarili kang sasakyan (i-charge lang sila nang makatao!). 
  1. Tangkilikin ang public transportation Hangga’t kaya, mas mainam na sumakay sa mga tren, bus, o jeep kaysa magdala ng sariling sasakyan. 
  1. Mag-shift mula kotse papuntang motorsiklo Kung may opsyon ka, mas magandang gamitin ang motor kaysa four-wheel na sasakyan dahil mas mahaba ang mileage nito pagdating sa gasolina. 
  1. Gumamit ng Electric Vehicles (EVs) Kung may pambili ka rin lang at naghahanap ng bagong masasakyan, mag-shift na tayo sa electric vehicles o electric motorcycles. Mas mura ang gagastusin natin sa kuryente kaysa sa patuloy na pagbili ng mahal na gasolina.
  1. Umiwas sa mga expressways para magpa-gas Ayon sa aking obserbasyon, mas mahal usually ang gasolina sa mga major highways at expressways. Kung gusto mong makamura, doon tayo sa mga gasolinahan na medyo off the highway, at subukan ding icheck ang mga free port zones tulad sa Subic kung may pagkakataon. Every peso counts! 
  1. Bumili ng regular gas Huwag na tayong mag-premium-premium na brands. Sa totoo lang, ang gas ay gas; pareho lang naman ang epekto niyan sa takbo ng ating sasakyan.
  1. Drive Smart Kung ikaw ay nagmamaneho, you have to be smart. Siguraduhing laging nasa tamang inflation o hangin ang iyong mga gulong at gawin ang regular car maintenance. Mag-drive slowly and steady, gamitin ang eco mode ng sasakyan, at iwasang bumiyahe tuwing rush hour para less idling at less air conditioning.
  1. I-take advantage ang apps, loyalty cards, at delivery Gamitin ang inyong mga loyalty cards at abangan ang mga promos o discounts sa inyong gas apps. Kung gagamit ka ng credit card na may fuel rebates, siguraduhin mo lang na if and only if you pay your balance in full every month. At para makatipid sa gas at oras, minsan mas practical magpa-grocery delivery na lang dahil grouped and planned by supermarkets na ito, at kumikita pa ang mga delivery riders natin.

Sa panahon ng krisis, malaking bagay ang bawat pisong natitipid natin para mailagay natin sa ating emergency fund. Simulan sa maliit, at unti-untiin hanggang sa maging habit o second nature mo na ito.

Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.