was successfully added to your cart.

Cart

Ang Philippine Equity and Savings Option (PESO) fund ay isang government savings program sa ilalim ng Social Security Syste, (SSS). Ito ay tax-free at garantisado ng Philippine government.

Bukas ang programa para sa lahat ng Filipino OFW man o hindi. Nagbibigay ng mas mataas na interest kumpara sa mga bangko at hindi kinakailangang hulugan kada buwan.

Eligibility

Para sa mga miyembro ng SSS na edad 55 pababa at nakapagbayad ng hindi bababa sa anim na buwang kontribusyon sa loob ng isang taon bago ang buwan ng enrollment. Kailangan ding nagbabayad ng pinakamataas na halaga ng kontribusyon sa ilalim ng SSS regular program at hindi pa tumatanggap ng anumang final claim sa SSS regular program.

Minimum investment

Ang minimum investment sa PESO Fund ay PhP1,000 kada hulog. Ang savings at earnings nito ay mapupunta sa tatlong accounts: retirement/total disability (60%), medical (25%), and general purpose (10%). Ang general purpose ay allocated para sa edukasyon, housing at kabuhayan o livelihood.

Kita

Ang kita ng PESO Fund noong 2015-2017 ay naglalaro sa 1.85% – 3.75% kada taon base sa treasury bills at treasury bonds ng gobyerno.

SSS PESO Fund withdrawal

 Pagkatapos ng limang taon, maaring ma-claim ang 35% ng naihulog sa PESO Fund kasama ng mga kinita nito. Ito ang bahagi ng medical at general purpose ng account.

Ang mas malaking bahagi o ang natitirang 65% ay makukuha pag dating ng 60 years old o kaya ay kapag nag-file ng retirement o total disability sa SSS. Kapag nag-withdraw bago ang limang taong retention period, magchacharge ang SSS ng penalty at service fees.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


3 Comments

  • anne says:

    Hi vince. tatanong ko lang base sa article mo once na mag 60 yrs old na ung 65% ay ma wiwithdraw pero may mga fees na ibabawas. may idea po kayo mga magkano po kaya yun?

    and also from 1k di naman dib required na lagi mag hulog? and sure na makukuha mo ung hinulog mo na may tinubo na. tama ba? sobrang interesado lang.

  • Angie says:

    Hi Sir Vince! Paano po kaya ang application nito? And ano documents required for application? Thank you

  • Venus Sabandal says:

    Iba pa po ba ito sa flexi fund?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: