Employer ang nagbabayad sa contribution ng employee sa SSS na ibinabawas kada buwan sa suweldo. Criminal offense kapag ito ay hindi nai-remit kaya mabuting i-check o i-verify kung nagbabayad ang employer at naipopost ito nang tama.
May tatlong paraan para ma-check ang contributions sa SSS: (1) online sa pamamagitan ng My.SSS facility; (2) SMS sa pamamagitan ng Text-SSS facility; at (3) personal na pagpunta sa SSS office.
My.SSS Online
Mag-register sa My.SSS at gamitin ang login credentials para makapasok. Hanapin ang e-services menu at sa ilalim nito, piliin ang inquiry at dadalhin ka nito sa Member Inquiry page.
Piliin ang member info at i-click ang actual premiums. Magloload ang page kung saan makikita mo ang lahat ng binayaran mong monthly contributions simula nang maging SSS member.
Kinuhanan ko ng screenschot ang akin as an example. Makikita sa contributions na matada na ako. Hehe.
May 215 contributions na ako kaya qualified na sa retirement benefit na 120 contributions minimum. Pero ipinagpapatuloy ko pa rin ito dahil mas malaki ang makukuha kong pension kung madami at maximum ang contributions ko.
Text SSS Facility
Ang Text SSS facility ay isang SMS-based service na nagbibigay ng daan sa mga members na magtanong sa kanilang contributions, loan status, balance at iba pang impormasyon. Para gamitin, kinakailangang i-register sa pamamagitan ng SMS.
I-text ang SSS number at birth date sa 2600 gamit ang ganitong format:
SSS<space>REG<space>10-digit SSS number<space>MM/DD/YYYY
Example: SSS REG 1234567890 06/20/1987
Makakatanggap ng text message kasama ang four-digit PIN, na siya mong gagamitn sa mga inquiries gait ang Text-SSS.
Para i-check ang contribution, i-send ito sa 2600:
SSS<space>CONTRIB<space>10-digit SSS number<space>4-digit PIN
Example: SSS CONTRIB 1234567890 1234
May bayad na PhP2.50 para sa Globa and Smart subscribers at PhP2.00 para sa Sun subscribers kada text message kung gagamit ng Text-SSS
SSS office
Kung nahihirapan at hindi gagana ang online at text inquiries mo, pinakamabuting bumisita sa pinakamalapit na SSS office sa iyo at doon mag-inquire tungkol sa iyong membership.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent