was successfully added to your cart.

Cart

Wais ka ba? How to work-smart

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo! Kamakailan lang, nakausap ko si Marlon Patrick at napagusapan namin ang tungkol sa mga dreams and aspirations niya sa buhay. Sino ba naman ang ayaw magkaroon ng stable na income habang enjoy ang life, ‘di ba?

Si Marlon, gusto niya magkaroon ng multiple sources of income, pero hindi lang basta-basta. Gusto niya ay ‘yung iyo passive income, meaning kumikita siya kahit siya ay chill-chill lang. Sounds dreamy, right?

Pero teka muna, sabi ko sa kanya, alam mo ba ang kasabihang “more money, more problems”? Totoo ‘yan! Kapag kumikita ka ng malaki, parang magnet ka na sa mga kamag-anak o kaibigan na biglaang mangungutang. Tapos, kapag hindi mo sila nabigyan, ikaw pa ang masama. Ano ‘yon, diba? Parang “Hello? Anong drama ‘to?”

Si Marlon, naging open siya sa akin. Kwento niya, yung generation ng parents niya, super sipag magtrabaho. Pero sa sobrang sipag, napapabayaan ang kalusugan. Gets ko ‘yon. Si Marlon, ayaw niyang maging ganoon. Dream niya ang balanced life – yung may pera siya pero healthy pa rin.

Ako, 44 years old na, proud ako sabihin na retired na kami ng jowa ko since 31 years old kami. Hindi namin dream maging sobrang yaman. Ang dream namin, simple lang – maging masaya, mapayapa, at masagana ang pamumuhay. Tignan niyo nga, wala masyadong linya ang noo ko. Bakit? Dahil stress-free life ang aming pinili.

So, ang tanong: Pano mo ba ma-aachieve ang ganyang life? Mag-set ng clear goals at pilihin ang simpleng buhay. With this, you don’t need to work as hard for branded thing basta you spend more quality time with your family and friends. Now, that’s how to work smart.

Ang mga mamahaling bagay na di naman talaga kailangan, dagdag stress lang yan. Dahil mahal, kailangang magtrabaho. Hanapin mo yung tamang balance. At malalaman mo yan kapag nasagot mo na kung anong nagppasaya sa iyo. Sigurado ako, KaSosyo at KaNegosyo, mas masaya na kasama ang mga mahal sa buhay kaysa mga materyal na bagay.

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: