was successfully added to your cart.

Cart

Voluntary versus mandatory SSS membership

Ang suggested age para sa financial stabilization stage ay 46-60 years old.

Kapag compulsory member ng SSS – mandatory o required kang magbayad ng monthly contribution. Kabaliktaran kung voluntary SSS member, hindi mandatory o required ang pagbabayad ng monthly contribution.

BUT remember, nakabase sa number and amount ng kontribusyon ang SSS benefits. The more the merrier! Kaya mainam pa rin na tuloy-tuloy at walang laktaw sa pagbabayad.


Compulsory members

Compulsory ang SSS membership kung ikaw ay empleyado, self-employed o Overseas Filipino Worker. –

Halimbawa ng mga empleyado ay ang mga cashier, saleslady, construction worker, nurse, BPO worker, hotel receptionist, kasama na rin dito ang mga kasambahay o domestic workers.

Maraming categories ang pagiging self-employed. Kabilang dito ang mga professionals tulad ng doctor, accountant, abogado at iba pa. Maituturing ding self-employed ang mga partners or single proprietors in business tulad ng sari-sari store owners, tricycle drivers, bakery owners, online sellers at iba pa.

Kasama din sa self-employed ang mga media practitioners tulad ng actors, graphic artists, videographer, photographer, scriptwriters at iba pa. Kabilang din sa self-employed ang mga atleta, mga coach nila, mga magsasaka at mangingisda.

Voluntary SSS members

Voluntary SSS members ang mga non-working spouse, Overseas Filipinos who are permanent residents of another country, immigrants, dual citizens and government employees.

Puwede ring ipagpatuloy ang membership ng separated members on a voluntary basis. Sila yung mga natanggal sa trabaho o tumigil sa pagiging self-employed.


Universal membership

Sa ngayon, hindi automatic ang SSS membership. Suggestion sa gobyerno, gawin itong automatic. Isabay na ang pagbibigay ng SS number sa birth registration. Inline ito sa mandato ng SSS na magbigay ng universal and equitable social protection sa lahat ng mga Pilipino.

Ilevel up pa natin, pagdating ng 18 years old, automatic na ang unang hulog sa SSS sponsored ng local government unit o LGU. Sa ganitong paraan qualified agad sa funeral benefit ang constituent.

Mababawasan ang problema ng LGU sa pagbibigay ng tulong sa mga mamamatay. Institutionalized ang funeral benefit, hindi na kailangang magsolicit.

Prioritize SSS contribution

Kapag mas marami ang hulog, mas malaki ang benpisyo. Sa dami ng benepisyong binibigay ng SSS at sa halaga ng hulog o kontribusyon natin dito; walang private insurance company o pension provider ang tatalo sa SSS.

Kaya kung ako sa inyo, gagawin kong priority ang SSS. Unahin ang SSS contribution sa personal money management.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: