was successfully added to your cart.

Cart

Utang-Free na 2024? Pwedeng-Pwede!

Mga KaSosyo at KaNegosyo, kumusta kayo? Nakarating na ba kayo sa punto kung saan parang bundok na ang inyong utang? Huwag mag-alala, dahil ngayon pag-uusapan natin kung paano ba mababayaran ang utang, at paano na rin hindi ito dadagdagan.

Una sa lahat, tandaan na ang pinakamahalagang hakbang ay ‘wag nang dagdagan pa ang utang. Para dito, gumawa tayo ng listahan ng inyong mga bad debts. Harapin natin ang ating kalaban.

Pag-usapan natin yung practical approach sa pagbayad ng utang. Ang unang bayaran, yung mga loan na may mataas na interest. Bakit? Para hindi na ito lumaki pa. Pero alam n’yo, madalas mas madali psychologically na bayaran muna yung mga utang na maliit ang halaga, kasi mas mabilis itong matatapos at mayroon kang sense of accomplishment.

Isa pa, magandang idea na makipag-negotiate sa inyong mga lender. Subukang mapagaan ang terms, penalties, at interest. Mahalagang ipaalam sa kanila ang inyong tunay na financial situation. Kung patong-patong na ang utang, hindi talaga ito mababayaran, kaya mas mabuting sabihin sa kanila ang totoo.

Sa mga may utang, mahalaga na kausapin ninyo yung mga pinagkakautangan n’yo. Huwag dedmahin. At para naman sa mga nagpautang, subukang mag-reach out at pag-usapan kung paano mas mapapadali ang pagbabayad.

Isang mahalagang paalala: iwasan nating gamitin ang utang sa panahon ng emergencies. Dapat ay mayroon tayong insurance, damayan, at emergency savings.

At kung mayroon kayong gustong bilhin, ‘wag utang ang gamitin. Dapat ito’y pinag-ipunan o kaya’y galing sa passive income, hindi sa utang. Delayed gratification ang kailangan natin dito, mga KaSosyo.

Kaya ayan, mga simpleng tips para mabayaran ang utang at para hindi na rin ito madagdagan. Tandaan, mas mabuting mag-ipon at maging handa sa hinaharap kaysa laging umaasa sa utang.

 

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: