was successfully added to your cart.

Cart

Usapang retirement goals: Magbenta na ba ng properties? MP2 na ba dapat?

Have a Question?

    Your Name (Required)

    Your Email (Required)

    Mobile Number (Required)

    Subject (Required)

    Your Message (Required)


    Read Terms and Conditions

    “Sir Vince, how to be you po?” Ito ang tanong na paulit-ulit kong naririnig. Pero to be honest, napapaisip din ako—successful ba talaga ako? Sa dami ng standards sa mundo ngayon, I realized, ang sukatan ng success ay hindi pera, titulo, o ari-arian. Ang tanong lang: Masaya ka ba?

    Ako, happy ako sa mga simpleng bagay—papawis sa umaga, tahimik na hapon, tawanan with loved ones. Mas mura kasi ‘yung simpleng kaligayahan, at hindi mahirap abutin. Kaya kung mababaw ang kaligayahan mo, mas madali rin itong maabot. Kaya, aim for happiness.

    Property or purpose?

    Si Maura, OFW na nagtatrabaho sa Madrid, ay nagsabing malapit na siyang mag-retire. Single siya at may mga properties sa Pilipinas. Tanong niya, “Sir, dapat ko na bang ibenta?”

    Sabi ko sa kanya, depende. Anong plano mo? Kasi kahit may properties ka, kung hindi ito aligned sa life goals mo, baka pabigat lang ito. Nag-share siya: gusto raw niyang mag-music, sumali sa choir, mag-serve sa community, at mag-focus sa learning hubs. Pero nararamdaman niya na ‘yung mga properties ay parang humahadlang.

    Tama lang ‘yon. Sabi ko, “Kung hindi ka na makakagalaw dahil sa mga assets na ‘yan, tapos dalawa naman ang pension mo—SSS sa Pilipinas at pension sa Spain—then go, ibenta mo na.” Ienjoy mo na ang pinaghirapan mo. In fact, yung fund proceeds puwede mong iinvest para may ka pang passive income dagdag sa dalawang pension mo. Bongga!

    Mas lalo pang naging malinaw ang decision niya nung sinabi niyang gusto niyang mag-serve in the name of the Lord. Kung ang properties mo ay hindi na parte ng life mission mo, baka panahon na para i-let go ito.

    Saan ilalagay ang napagbentahan? Ilagay sa MP2!

    Kapag nabenta mo ang properties mo, ang tanong: Saan mo ilalagay ang pera? Ang sagot ko—Pag-IBIG MP2.

    Halimbawa, may Php 2.5 million kang nakuha. Ang strategy ko: magbukas ng limang MP2 accounts at maglagay ng tig-Php 500,000 sa bawat isa. Bakit lima? Para kung kailanganin mo ang pera, hindi mo kailangang i-withdraw lahat. 

    Nagtanong siya, “Sir, may age limit ba sa MP2? Kahit retired na?”

    Wala. Kahit retired ka na, pwede pa rin. Ang MP2 ay para sa lahat.

    Ano nga ba ang MP2?

    Ang Pag-IBIG MP2 ay savings program ng gobyerno. Minimum of Php 500 lang para magbukas ng account. Pwede kang maghulog regularly, o isang bagsak lang—ikaw ang bahala. In the past five years, average ng 7% dividend rate—walang tax at 100% guaranteed ng government.

    Dati, madali lang mag-open. Ngayon, kailangan na ng Philippine mobile number dahil doon nila pinapadala ang mga One Time Password for security confirmation. Pero worth it pa rin.

    Sa totoo lang, malaking bahagi ng pera ko nasa MP2. Maging ang retirement fund ng kumpanya ko, at ng mga empleyado namin, nakalagay sa MP2. Secure at reliable.

    Pwede kahit nasaan ka

    Nagtanong pa ulit, “Sir, pwede ba kahit nasa ibang bansa ako ang MP2?”

    Yes! Kahit nasaan ka sa mundo—basta may Philippine mobile number at signal, pwede ka pa rin mag-open at mag-manage ng MP2 account. Kahit sa buwan, basta may signal, go na go!

    Kaming mga taga-SEDPI, partner ng Pag-IBIG, kaya we help our members open their own MP2 accounts. Kung gusto niyo, we can assist you.

    Happiness over hassle

    Sa usaping retirement, investments, at property management, balik tayo sa unang tanong: Masaya ka ba?

    Kung ang mga ari-arian mo ay nakakadagdag ng stress, baka panahon na para i-convert ang assets into opportunities that support your true purpose. Whether that’s community work, creative passions, or just peace of mind—gamitin ang pera mo sa paraan na magbibigay sayo ng kaligayahan.

    At kung naghahanap ka ng safe, flexible, at mataas ang return na lalagyan ng pera—Pag-IBIG MP2 ang sagot.

    Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

    USEFUL RESOURCES

    Sources of information and practical tips on money management

    Different kinds of investments

    Preparing for retirement

    How are articles on retirement

    1. 10 Commandments of retirement
    2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
    3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
    vincerapisura.com


    Watch videos on money management

    Watch Usapang Pera episodes

    Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

    vincerapisura.com


    Get in touch with Sir Vince

    Message Sir Vince through FB messenger

    Send an email to Sir Vince

    Like Vince Rapisura page

    vincerapisura.com


    Join online groups of Sir Vince

    Join Usapang Pera Group

    Join Sir Vince blog newsletter

    vincerapisura.com


    vincerapisura.com


    Leave a Reply

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.