Mga KaSosyo at KaNegosyo, may magandang balita para sa ating mga pensioners! Simula September 2025, magpapatupad ang Social Security System (SSS) ng Historic Pension Reform Program na magbibigay ng structured pension increase hanggang 2027.
Ano ang ibig sabihin nito?
Ang pension increase ay alinsunod sa Social Security Act of 2018 at na-approve ng Social Security Council noong July 11, 2025. May tatlong principles na sinusunod ang programang ito:
- Inclusive benefits adjustment – para maiangat lahat ng pensioners.
- Recovery from inflation – para maprotektahan ang purchasing power.
- Promotion of working, saving, and investing – ayon sa Republic Act 11199.
Siyempre, malayo pa tayo sa level ng mga developed countries gaya ng Spain, pero good step na ito in the right direction. Kaya nga lagi kong pinopromote ang tatlong pillars ng social security: SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG. Pera natin ‘yan, kaya dapat suportahan, hindi sukuan.
Gaano kalaki ang increase?
Para sa mga retirement at disability pensioners: +10% this September 2025, another +10% sa 2026, at +10% ulit sa 2027. Para sa mga death or survivor pensions: +5% ngayong 2025, dagdag 5% sa 2026, at another 5% sa 2027.
Take note, ang mga increase na yan ay compounded!! At ang pinakamaganda? Walang dagdag na contribution required. Solid ang actuarial foundation ng SSS para dito.
Ito ang mga sample increase in pensions kung ikaw ay retirement or disability pensioner applying the 10% increase in pension for three years:
Present Pension | Sep 2025 | Sep 2026 | Sep 2027 |
2,200 | 2,420 | 2,662 | 2,928 |
5,000 | 5,500 | 6,050 | 6,655 |
10,000 | 11,000 | 12,100 | 13,310 |
15,000 | 16,500 | 18,150 | 19,965 |
20,000 | 22,000 | 24,200 | 26,620 |
Ito naman ang mga sample increase in pensions kung ikaw ay survivor pensioner applying the 5% increase in pension for three years:
Present Pension | Sep 2025 | Sep 2026 | Sep 2027 |
2,200 | 2,310 | 2,426 | 2,547 |
5,000 | 5,250 | 5,513 | 5,788 |
10,000 | 10,500 | 11,025 | 11,576 |
15,000 | 15,750 | 16,538 | 17,364 |
20,000 | 21,000 | 22,050 | 23,153 |
Sino ang makikinabang?
Aabot sa 3.8 million pensioners ang covered ng program:
- 2.6 million retirement and disability
- 1.2 million survivor
Pero tandaan, may 11 million senior citizens sa bansa at tinatayang nas 4.3 million lang ang may pension. Mas marami pa ang wala. Kaya mahalaga ang pagsusulong ng basic pension for everyone—isang adbokasiya ng Akbayan Partylist at ni Senator Risa Hontiveros.
Bakit hindi kasama ang magre-retire sa 2028 sa SSS pension increase?
Linawin lang natin na ang makikinabang nito ay yung mga existing pensioners at yung magreretire hanggang 2027. Kung 2028 and beyond ka na magrerertire, hindi ka na sakop ng pension increase na ito. Ang dahilan? Napakababa kasi ng monthly salary credit before the contribution hike of SSS kaya nila ito ginagawa para makahabol ang mga minamahal nating mga senior citizen pensioners sa pagtaas ng persyo ng bilihin.
O di ba? May puso ang SSS!
From 1994 to 2001 ang maximum monthly salary credit ay PhP9,000 lang. Then 2002-2013 itinaas ang maximum monthly salary credit ay 15,000 and the 16,000 noong 2014 to 2018. Ngayong 2025, ang monthly salary credit ay 35,000. Ibig sabihin ang mga magreretire ng 2028 onwards mas may chance na makakuha ng malaking pension kung maghuhulog sila sa higher monthly salary credit bracket.
Bukod pa diyan, puedeng magcontribute ng pension booster voluntarily beyond the 35,000 monthly salary credit. This means na may pathway for preparing for higher pensions ang private sector sa pamamagitan ng sariling sikap at pagpaplano.
Impact sa ekonomiya
Dahil may dagdag na kita ang mga lolo’t lola natin, mas lalaki ang purchasing power ng seniors. Siyempre, makakatulong din ‘yan sa lokal na ekonomiya—magandang boost para sa bansa!
Mga KaSosyo at KaNegosyo, magandang balita ito. Maliliit man ang dagdag buwan-buwan, malaking tulong sa pang-araw-araw. Hindi ito one-time ayuda—monthly na matatanggap. Kaya dapat imaximize natin ang contribution natin sa SSS para mas mataas din ang pension pagdating ng panahon.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
Have a Question?
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent