was successfully added to your cart.

Cart

Understanding Retail Bonds: Your Next Big Investment Move!

Ano ba talaga ang bond? O baka naman nakarinig ka na ng “Treasury bonds” at nagtataka kung ano ito? Huwag mag-alala mga KaSosyo at KaNegosyo, pag-uusapan natin ang lahat tungkol sa bonds at paano ito makakatulong sa iyong financial goals!

 

Ano nga ba ang Bond? Isipin mo ang bond bilang isang utang, pero ikaw ang banko. Ang bond ay isang debt instrument na inilalabas ng gobyerno o mga korporasyon upang pondohan ang kanilang mga proyekto. Mayroong dalawang uri ng bond:

  • Government bond – Ito ay binibigay ng gobyerno.
  • Corporate bond – Ito ay mula sa mga korporasyon.

 

Sa bond, ang borrower ay tinatawag na bond issuer habang ang lender o investor ay ang bondholder.

 

Bureau of the Treasury!

Ang mga bond mula sa gobyerno ay tinatawag na treasury bills o treasury bonds. Bakit “treasury”? Kasi galing ito sa Philippine Bureau of Treasury! Ito ay tinatawag ding government securities. Ang maganda dito? Backed ito ng full taxing power ng gobyerno at may kakayahang mag-print ng pera. Kaya, siguradong secured ka dito, KaSosyo!

 

Retail Dollar Bond: Investment na Swak sa Bawat Juan!

Ito pa, mayroong tinatawag na Retail Dollar Bond. Ano ito? Ito ay isang dollar-denominated on-shore bond. Parte ito ng programa ng gobyerno para sa maliliit na investors. Ang layunin? Financial inclusion at diversification. Sana lang, wag itong gamitin sa maling paraan tulad ng corruption.

 

Retail Dollar Bond 2 (RDB2)

  • Minimum investment amount: USD200
  • Dagdag pa: In multiples of USD100 after
  • 100% government guaranteed!
  • Offer period? Sep 27 hanggang Oct 7 lang!

 

RDB Interest Rates? Magkano ba?

  • Para sa 5.5-year term? Mayroong 5.75% (4.6% net) interest!
  • May quarterly payment of interest pa!
  • At bonus: mas mababa ang foreign exchange risk kumpara sa peso investments tulad ng Retail Treasury Bonds.

 

Investment Purpose ng Bond

Pero teka, bakit nga ba mag-iinvest sa bond? Ito ang mga magagandang dahilan:

  • Retirement: Para secured ang golden years mo.
  • Building a house: Dream house mo, in reach na!
  • Education of children: Para sa kinabukasan nila.
  • Health fund: Para ready sa mga emergency.
  • Pamana: Para sa susunod na henerasyon.

 

At the end of the day, ang investment sa bond ay isang magandang paraan upang mapalago ang iyong pera. Pero siyempre, bago subukin, mag-aral, mag-research at magtanong muna.

 

Ako si Sir Vince, financial guro at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!

 

Gusto mo bang mapag-aralan pa ang tungkol sa estate planning? Sumali sa Retirement and Estate Planning Webinar sa December 8 and 15, 2023

Details at http://vincerapisura.com/webinars. Mag-register na sa https://bit.ly/rpwebinar-register

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: