July 24, 2019 (8:34am)
Hi Sir Vince!
I’ve been following your channel for couple of weeks now, may tanong lang po ako sa inyo. I’m turning 34 this year.
May bahay po ako na pinapaupahan. Actually, hinuhulugan ko pa siya sa Pag-IBIG; 30yrs po kasi term na naka-set dun. Naghuhulog ako about PhP4,400 kada buwan. Nakaka-5yrs na hulog na po ako.
Pinapaupahan ko yung bahay ng PhP5,500. Gusto ko sana mapaiksi yung years na binabayaran ko instead of 30 years, para hindi mag-accumulate ng malaking interest. May nakapagsabi sa akin na puwede ako mag lump sum.
Ang tanong ko po would it be the best option for me to invest yung pera or kumuha ako ng isa pang bahay ayusan at ipa-rent ulit? Hilig ko po kasi bumili ng property anything na mag-gegenerate ng monthly income.
I’m a call representative nga po pala sa isang BPO company.
Hope you could give me advice.
- I’m planning to get married din next year pero baka sa huwes lang po.
Salamat po,
Brian
July 24, 2019 (8:21pm)
Dear Brian,
Congratulations sa plano mong pagpapakasal next year. Para lang sure, here’s a video you can watch together with your girlfriend: http://vincerapisura.com/tying-the-knot/
Wala naman yan kung sa simbahan o sa huwes ikinakasal. Ang mahalaga, nagmamahalan kayong dalawa at pipiliin niyo pa rin ang isa’t isa sa hirap at ginhawa.
Mukhang ok naman ang paupahan mo ngayon dahil positive cash flow ito. Isa kasi ito sa mga requirements ko bukod sa 8 years ROI at dapat may property insurance.
Sure akong may property insurance yan kasi naka-loan pa sa Pag-IBIG. Requirement ang mortgage redemption insurance.
It is tempting to purchase a new property dahil nga ok ang knikita ng property mo ngayon. Pero, alam din nating maaring hindi ganito ang maging sitwasyon parati.
Kung ako ang tatanungin mo, mas mabuting tapusin mo agad ang loan mo sa Pag-IBIG bago ka magsimula ulit ng panibago. Para sa akin, mas maganda ang walang binabayarang utang at galing sa savings ang pang-invest.
Option pa din naman na kumuha ka ng isa pang property. Why not?
Pero, if you choose this, be very aware na tumataas ang risk kapag kumukuha ka ng loan.
I suggest that you go back to the purpose why you are investing in real estate. Kung ito ay para sa future ninyong mag-asawa, for me, maganda na mag-umpisa sa savings and investments at hindi sa utang.
Kung babayaran mo nang buo ang Pag-IBIG, may PhP5,500 ka na every month na passive income. Mas mabilis ka nang makakaipon towards your next property.
Sir Vince
P.S.
Here’s my guide to real estate investing: https://vincerapisura.com/real-estate-101/
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent