was successfully added to your cart.

Cart

Tunay na dahilan kung bakit lubog sa utang ang mga DepEd teachers

Unang araw ng limang sunod-sunod na batches ng financial literacy training para sa mga teachers ng Department of Education (DepEd) sa Malaybalay, Bukidnon. Ang huling dalaw ko sa Malaybalay ay mga 15 years na ang nakaraan kaya excited akong makabalik muli.

Isa sa mga challenges na binanggit ng mga guro ay ang pagkakaroon nila ng maraming utang. Ang sabi sa akin, karamihan sa mga teachers at nasa 20% na lang ng kanilang take home pay ang nakukuha nila dahil kinakaltas na agad ang kanilang loan repayments.

DepEd teachers not solely at fault in their debt problems

Madaling sabihing kakulangang sa kaamalan sa paghawak sa pera o kawalan ng disiplina ag dahilan kung abkit ganito ang kanilang sitwasyon. I beg to disagree. Ito ay bahagi ng mas malaking problema sa Sistema at sa lipunan at napakaliit na factor lamang ang kakulangan ng kaalaman at kawalan ng disiplina sa mga ito.

In my opinion, ito ang mga dahilan kung bakit lubog sa utang ang mga DepEd teachers:

  1. Upon hiring, di agad nila natatanggap ang kanilang suweldo. Tatlo hanggang anim na buwan bago nila ito nakukuha. Samantala, ang unang post nila usually ay kung saan-saan at kailangan nilang mag-relocate. Kaya, napipilitang mangutang para sa relocation lalo na ang rent, damit at iba pang basic needs tulad ng pagkain at utilities. 
  2. Institutionalized ang lending – may offer na agad ang iba’t ibang financial institutions sa kanila di pa man sumusuweldo. Kaya si teacher, susunggaban ito dahil sa pangangailangan dahil wala pa ngang natatanggap na suweldo.
  3. Karamihan ay galing sa mahirap na pamilya at sila ang inaasahang mag-aahon sa kahirapan.

Beyond financial literacy

Our financial literacy training can only do so much in terms of solving this systemic problem. It will take more than financial literacy trainings to address this. Kahit gaano pa karaming financial literacy training ang gagawin, kung hindi gagawan ng solusyon ang iba pang loopholes, matatagalan pa bago malutas ang problemang ito. 

Advanced salary for new hires who need relocation

Ang low lying fruit na madaling maaksyunan, sa aking palagay, kailangang ayusin ang unang pasuweldo sa mga kawani ng gobyerno para hindi kailangang mangutang. I suggest legislators to make a law na may 3-months salary advance sa mga newly hired government employees lalo na sa mangangailangan ng relocation. 

Ito ay para di na sila kailangan mag-resort sa pangungutang para tustusan ang kanilang pangangailangan at gampanan ang paninilbihan sa bayan. Sinalubong ito nang masigabong palakpakan ng mga guro when I suggested this to them.

Promote savings and investment culture

Pangalawa, puwedeng i-replace ang institutionalized lending culture ng savings culture. Instead na loans ang pinopromote ng mga financial institutions na accredited ng DepEd, gawing mga deposit accounts at investment opportunities ang i-promote at i-accredit.

I suggest that DepEd partners with local cooperatives and rural banks para community-based and localized ang approach. Mas makakatulong ito sa local economic development at di hamak na magbibigay ng higher and more consistent returns compared sa mga commercial conventional savings and investment products.

Of course, kailangan pa din ng masusing pagpili sa mga kooperatiba at rural banks para dito. Puwede ring SSS, provident fund ng GSIS at Pag-IBIG MP2 ang i-promote. 

These two simple solutions will solve the debt burden problem of our teachers and they can focus more on teaching the our children. Hopefully, mas matutugunan din nila ang kanilang problema sa kahirapan ng kanilang pamilya dahil hindi na sila mababaon sa utang para gawin ito.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: