Have a Question?
Kailangan kilala mo talaga ang sarili mo. Para sa akin, ito ang Rule #1 sa buhay—at lalo na sa retirement planning.
Sa Ateneo community, kung saan ako nag-aral at nagtuturo, madalas na pinag-iisipan ito. Ito yung tipong kapag tinanong ka ng “Sino ka?”, sure tayo sa pagkakakilala natin sa sarili natin.
Bakit mahalaga? Dahil ang daming tao sa labas ang napepressure sa tingin ng iba—kamag-anak, kapitbahay, dating classmates, mga friends sa Facebook.
Kung wala ka pang peace sa identity mo, doon mapupunta ang gastos: sa pagpapatunay na “may narating ka na” o “maayos kang tao.”
Trophy Life vs. Real Life
Halimbawa ko: bakla ako. Kung gusto kong itago ’yan, baka mag-set up pa ako ng “trophy” life—may beard, may girlfriend—para lang may maipakita. Ang mahal nun! May boyfriend ako, tapos may girlfriend pa? Ang gastos mag-maintain ng ilusyon.
Pero dahil kilala at tanggap ko na ang sarili ko, simple na lang ang buhay.
Bakit Kailangan ang Retirement Planning?
Independence. Gusto nating hindi maging pabigat kahit kanino pag dating ng panahon. Mahirap tanggapin ’yan para sa matatanda nating mga magulang.
Si Papa, 75 na pero kung makaakyat ng bubong, kala niya bente siete siya. So videocall ang nanay ko sa among magkakapatid. Ninenerbyos at nagsusumbong.
Apat kaming magkakapatid—tatlong nurses at ako—so lahat sila praning. Ako lang kalmado: sabi ko, kung malaglag si Papa, at least masaya siyang umakyat. We cannot control everything. Let’s respect his independence.
Basta nagampanan natin ang paalala natin sa kanila, ok na yun. Bigay natin ang freewill sa kanila. Wag tayong control freak. Basta walang sisihin at guilt trip after.
Healthcare Costs
Ngayon, mas madalas magkasakit si Papa kaysa kay Mama. ’Yung health fund nila, mabilis maubos dahil sa kanya. Tanong ni Mama: “Paano kung ako naman?” Kaya nag-sit-down kami ng pamilya:
- Nag-assign ng budget per anak
- Tinakda ang limit ng gastusin para kay Papa at kay Mama
Hindi dapat pinag-uusapan ito kapag may nangyari na, dapat bago pa mangyari. Because it will happen! Mas magandang pagplanuhan nang maaga. Totoo, iiyakan niyo pa rin—pero at least klaro bago dumating ang emergency.
Ayaw Nating Maging Burden
Sana, kapag tayo na ang retired, kaya pa rin nating sagutin ang sarili nating healthcare. Dapat malinaw din kung kanino mapupunta ang assets, paano haharapin ang inflation, at paano tutuparin ang legacy na gusto natin.
Ako si Sir Vince, ang inying financial guro at your service. Tandaan: Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent