Magandang araw, mga KaSosyo at KaNegosyo! Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, Nandito upang magbahagi ng mga mahahalagang tips sa paghahanda para sa inyong retirement. Lundagin natin, babeeeh!
The art of prioritization
Kapag pinagsasabay-sabay natin ang ating ginagawa, mabagal ang ating usad at worst, baka walang matapos. Ganoon din sa ating pagpaplano for our retirement. Kailangan focused tayo.
Naalala niyo pa ba ang ating tip ko na limitahan sa tatlong life goals ang priority natin kada taon? Dapat kasama sa top three life goals natin ang paghahanda sa retirement. Mas maganda kung habang bata tayo ay mapaghahandaan natin ito. Mas mahirap na kasing maghabol sa pagbuild ng ating retirement fund habang tumatanda because time is no longer at our side.
Iisipin natin, ano ba ang mga pangunahing life goals na kailangan nating isaalang-alang sa ating retirement? Karamihan sa atin, malamang na kasama dito ang pagkakaroon ng sapat na budget para sa pangaraw-araw na gastusin, paminsan-minsang bakasyon, ang pagkakaroon ng sapat na oras para sa pamilya at kaibigan, at ang kalusugan. Isama natin ang ating SSS retirement benefits bilang isa sa ating main tools upang matupad ang mga ito.
Paghandaan ang building blocks para sa SSS retirement
Ang pangalawang tip na ibabahagi ko sa inyo ay tungkol sa kahalagahan ng maagang paghahanda. Kapag tayo’y nagplaplano nang maaga, mas madali nating maabot ang ating mga pangarap.
Isa sa mga paraan upang maghanda nang maaga ay ang pagiging proactive sa ating mga kontribusyon sa SSS. Kumpletuhin natin ang tatlong SSS retirement building blocks – regular SSS program, ang Workers Investment Savings Program of WISP at ang WISP Plus. Tandaan, ang ating mga monthly contributions ay nagdaragdag sa stability at laki ng ating magiging pension pagdating ng ating retirement.
Ang regular SSS program ang pundasyon ng ating retirement pension. Aminadong maliit ito pero, sa totoo lang, ang kikitain natin dito ay di hamak na malaki kumpara sa anumang investment pension product sa market. Walang private pension product ang tatalo dito. Kaya hangga’t maari, pagsikapan nating nasa maximum bracket tayo sa regular SSS which is PhP20,000 na may katumbas na PhP2,800 monthly contribution.
Malaki ang maitutulong ng WISP kung gusto natin ng mas malaking monthly pension. Ito ay mandatory sa mga kumikita ng PhP30,000 pataas. May karagdagang kontribusyon dito na kakaltasin sa suwledo natin at counterpart mula sa ating employer. Halimbawa sa PhP1,400 na maidadagdag sa WISP account mo, PhP450 ang galing sa iyo at ang mas malaking PhP950 ay galing sa employer. Masaya di ba? May tumutulong sa ating makaipon nang mas mabilis para sa ating retirement savings.
Kung gusto mo pa ng booster on your own, WISP Plus ang sagot ng SSS diyan. Ito ay isang voluntary retirement savings account. Kung may MP2 ang Pag-IBIG, may WISP Plus ang SSS. You can place a minimum of PhP500 anytime and the sky is the limit. Dahil ito ay 100% principal guaranteed ng gobyerno, siguradong safe ang ating nest egg.
Take advantage of SSS
Huwag nating isipin ang SSS contributions bilang isang obligasyon lamang, isipin natin ito bilang isang paraan upang isecure ang ating financial future. Sa bawat hulog, mas pinapalakas natin ang ating building blocks para sa isang secure na retirement.
If we prepare early, at gagamitin natin ang tatlong SSS retirement building blocks, siguradong magkakaroon tayo ng masaya, masagana at mapayapang retirement.
Sana’y nakatulong ang ating mga tips para sa inyo, mga KaSosyo at KaNegosyo. Tulad ng lagi kong sinasabi, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
Gusto mo bang mapag-aralan pa ang tungkol sa retirement? Sumali sa Retirement and Estate Planning Webinar sa December 8 and 15, 2023.
Details at http://vincerapisura.com/webinars. Mag-register na sa https://bit.ly/rpwebinar-register
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent