was successfully added to your cart.

Cart

The magic behind the wallet: Paano napopondohan ang mga Sovereign Wealth Funds (SWFs)

Mga KaSosyo at KaNegosyo, atin alamin kung saan kumukuha ng pondo ang mga Sovereign Wealth Funds (SWFs) o “magic wallets” ng mga bansa. Ang SWF ay parang mga “savings” ng mga bansa na may iba’t-ibang pinagmulan, mula sa kanilang mga economic activities at reserves. Maaring ang pondo ay galing sa commodity exports, foreign exchange reserves, paglilipat ng pondo mula sa ibang funds at budget surplus.

Wag po tayong mastress, di naman ito kasing-komplikado ng Math problems sa Grade 6. Tara at simulan na natin!

 

Commodity exports: Ang bonggang’ pagbebenta ng mga natural resources

Ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo para sa maraming SWFs ay ang commodity exports. Pero wait a minute, ano ba ang tinatawag na commodity?

Ang commodity, mga KaSosyo at KaNegosyo, ay mga produkto na halos pareho lang ang kalidad kahit kanino mo ito bilhin. Mababa ang product differentiation. Halimbawa ng commodity items ay bigas, asukal at gasolina. Sa madaling salita kahit saang panig ng mundo ka pa bumili ng bigas – tataba ka pa rin; saang bansa ka man bumili ng asukal – ito ay matamis pa rin; saang lupalop ka man bumili ng gasolina – aapoy pa rin yan kung sisindihan mo. Gets? Consistent ang product qualities nito wherever you buy it.

Sa mga bansang sagana sa mga commodity resources, ang bonggang kita mula sa kanilang exports ay nagdudulot ng malaking budget surplus, na puwedeng-puwede nilang iinvest sa kanilang mga SWFs. Halimbawa nito ay ang Abu Dhabi Investment Authority na pinondohan ng oil exports, at ang Government Pension Fund Global ng Norway na pinondohan ng oil at gas revenues.

Para silang may ‘golden goose’ na walang sawang nagbibigay ng golden eggs! Pero one day. mamamatay ang kanilang golden goose kaya sila nagtatabi ng surplus sa kanilang Sovereign Wealth Fund. Taray ang preparation for the future di ba?

 

Foreign exchange reserves: Ang malaking ‘baon’ ng mga bansa

Ang isa pang mahalagang pinagkukunan ng pondo para sa mga SWFs ay ang foreign exchange reserves. Ang mga bansang may malaking foreign exchange reserves, madalas dahil sa malaking volume ng exports o significant influx ng foreign direct investment, o sa kaso ng Pilipinas – malakas ang pagpasok ng OFW remittances, ay maaaring maglaan ng parte ng mga reserves na ito para itatag o palakasin ang kanilang mga SWFs. Kumbaga, ito ang kanilang ‘baon’ na nagpapalakas sa kanila for long term financial sustainability.

 

Transfer of assets: Ang ‘regalo’ mula sa ibang government funds o entities

May mga SWFs rin na pinopondohan sa pamamagitan ng paglipat ng assets mula sa ibang government funds o entities. Halimbawa, ang initial na pondo para sa fund ay maaaring makuha mula sa central bank reserves ng isang bansa o mula sa public pension fund. Parang ‘regalo’ lang galing sa ibang bahagi ng gobyerno.

 

Budget surplus: Ang ‘bonus’ mula sa mabuting economic management

Ang budget surplus na nagmumula sa mabuting economic management at malakas na economic growth ay maaari ring machannel sa mga SWFs. Ang mga bansang consistent na nagkakaroon ng budget surpluses ay maaaring mag-invest ng mga pondo na ito para sa future needs o economic stabilization. Halimbawa nito ang Government Investment Corporation ng Singapore na pinondohan ng budget surplus ng bansa. Kumbaga para itong “bonus” na itinatabi to stabilize the economy and diversify their investments.

 

Kaya mga KaSosyo at KaNegosyo, hindi na natin kailangan ng magic wand o mahiwagang salita para magkaroon ng ‘magic wallet’. Ang kailangan lang natin ay matibay na economic management at strategic investments. At huwag kalimutan, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

 

Sa susunod na blog natin, pag-uusapan natin ang mga best practices sa SWF ng mauunlad na bansa. Parang future lang natin kung tutularan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: