was successfully added to your cart.

Cart

The dark side of sovereign wealth funds: More power, more corruption?

Hindi biro ang papel sa ekonomiya ng isang bansa ng mga Sovereign Wealth Funds (SWFs). Kasabay ng mga benepisyo nito ay ang mga potensyal na panganib na hatid nito kung hindi ito maayos na mapatakbo.

Sa ating blog post na ito, tatalakayin natin ang mga posibleng disadvantages ng SWFs, mula sa potential na mismanagement at corruption, hanggang sa over-concentration of economic power at potential economic overheating.

Tumutok lang at sama-sama nating alamin kung bakit minsan ay nagiging kumplikado ang love story ng SWFs at ekonomiya.

 

Mismanagement and corruption

Isang malaking pangamba na konektado sa mga Sovereign Wealth Funds ay ang posibilidad ng mismanagement at corruption. Lalo na sa mga bansa, tulad ng Pilipinas, na kulang sa transparency at oversight mechanisms. May panganib na maging vulnerable ang SWFs sa mga ganitong gawain.

Parang sa movie, kapag wala yung bida, biglang lalabas ang mga kontrabida. Sa kaso ng Malaysia’s 1MDB fund, may mga alegasyon ng korapsyon at mismanagement kung saan bilyon-bilyong dolyar ang nasayang. Sa mga bansang mahina ang institutional frameworks at regulatory oversight, ang malalaking halaga na hawak ng SWFs ay maaaring ma-misuse, na maaring magdulot ng negatibong economic at social implications.

 

Concentration of economic power

Ang isa pang disadvantage ng SWFs ay ang posibleng konsentrasyon ng kapangyarihan sa iilang mga politiko na karaniwan ay mga political dynasties. Dahil sa kanilang malalaking assets, may kakayahan ang mga SWFs na impluwensiyahan ang merkado at mga korporasyon.

Halimbawa, ang isang malaking investment ng SWF sa isang partikular na sektor ay maarin nitong sirain ang totoong presyo ng mga produkto at serbisyo.

Sa sobrang lakas ng kapangyarihan ng mga SWFs, pwede na itong maging superhero! Kaya lang, sa halip na ‘With great power comes great responsibility,’ baka sa kanila, ‘With great power comes great kapalpakan.’ Medyo nakakakaba ‘di ba?

 

Economic overheating

Dahil malalaki ang investments ng SWFs, lalo na sa domestic markets, maari itong magdulot ng economic overheating at asset price inflation. Ito yung tinatawag na asset bubbles kung saan over-priced ang mga bagay-bagay. Kapag patuloy ang pag-inflate at overvaluation, sigurado puputok ito na parang lobo.

Halimbawa, ang sobrang investment sa real estate sector ay maaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bahay. Mahihirapan na tuloy ang karaniwang mamamayan na mafford magkabahay. Sakit sa heart di ba e nasa 8 million na nga ang backlog natin sa housing.

 

Good governance is key

Kaya, habang ang mga SWFs ay maaaring magdulot ng economic growth at stability, kailangan nilang ingatan ang kanilang mga investments para hindi magdulot ng economic disaster!

Hindi biro ang paghawak ng malaking halaga ng pera tulad ng ginagawa ng mga Sovereign Wealth Funds. Kaya kahit na madami itong maaring ibigay na benepisyo sa ating ekonomiya, malaki din ang potensyal nito sa panganib kaya hindi dapat inaapura, bagkus maingat na pinaghahandaan at masusing pinag-iisipan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: