Have a Question?
Mga KaSosyo at KaNegosyo, seryosohang kwentuhan muna tayo.
Grabe man pakinggan, pero kailangan nating tanungin ang sarili: ilang taon pa ba ang target mong mabuhay?
Ako? May life-plan ako:
- Age 80: dapat kaya ko pa mag-lakad ng 5 km in one hour.
- Age 85: kung lampas na dito, bonus years na ang mga susunod—gagastusin ko na lahat!
Nakita ko na kasi kung gaano kalaki ang ginagastos ng mga pamilya para ilaban ang 80- or 85-year-old parents… tapos gulay din pala after. Ayoko ng ganun.
Kung hindi na kaya ng katawan ko, ilagay n’yo na lang ‘yung “pill” sa tabi ng kama—ako na bahala! Joke lang. Pero seriously, ayoko ring mabuhay na nahihirapan ako tapos pinahihirapan ko pa ang iba. Dagdag pa ako sa carbon footprint. Gawin na lang akong pataba.
Mas bet ko na maenjoy ko ang yaman habang buhay at malakas pa, kaysa ubusin lahat sa hospital bills para mabuhay akong parang lantang gulay.
Tatlong Klase ng Retirement
- Nominal Retirement
Ito ‘yung itinalaga ng gobyerno—65 sa Pilipinas. Wala tayong choice; pag sinabi ng batas, retired ka na.
- Financial Retirement
Dito, may sapat ka nang passive income to cover all expenses for life.
Goal dito: hindi mo na kailangan magtrabaho; pera mo na ang nagtatrabaho para sa’yo.
Side bar: Beki ako, so wala kaming kids—mas mabilis maka-ipon!
Kung may anak ka pa-college? Ibang kuwento ‘yan, besh!
Sukatan ng financial retirement: Passive Income (anim na klase—rent, dividend, capital gains, royalty, pension at interest. I-de-detail natin next time!).
Kapag financially retired, ikaw ang pumipili kung sino at ano ang tatrabahuhin mo. Kami, at age 31, kaya na naming ighost ang toxic clients. ✌️
Meaningful & Productive Retirement
Financially retired ka na pero you still choose to do work na may kabuluhan sa iyo. Hindi ‘to tungkol sa edad; tungkol ‘to sa purpose.
Pwede ka nang mag-trabaho for love, not for bills.
Mas masarap kung pati barkada mo kaya rin—nakapag-pa-retire na nga ako ng dalawa kong friends sa 40s nila. Kaya… kaibiganin n’yo ako!
Common Retirement Mistakes (A.K.A. Regrets)
- Hindi nag-save nang sapat.
- Umasa lang sa SSS/GSIS o retirement lump-sum ng kumpanya.
- May utang pa rin pag-retire.
Retirement planning is really about securing your future.
Key Takeaways
- Set a life target—para alam mo kung kailan mag-slow down.
- Aim for meaningful and productive retirement, hindi lang financial lalo na hindi dapat nominal.
- Build passive income early (promise, pag-uusapan natin yung 6 types).
- Plan your exit—health care, estate, at lifestyle dapat klaro.
- Avoid utang na tatagal hanggang retirement.
Ako si Sir Vince, financial guro at your service.
Tandaan: Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent