was successfully added to your cart.

Cart

Tamang paggamit ng collateral sa loan

Kapag humihiram ng pera, lalo na kung wala pang track record, karaniwang hinihingan tayo ng collateral. Collateral ang tawag sa ari-ariang magsisilbing bayad sa utang mo sakaling hindi mo ito mabayaran.

Real estate mortgage

Hinihinging collateral kadalasan ang real estate property at tinatawag itong real estate mortgage (REM). Bahay, residential lot at agricultural land ang mga example nito.

Danger in REM

Malaki ang danger kapag ang REM o collateral sa loan na gagamiton ay bahay at lupa na kasalukuyang tinitirhan; o agricultural land na source of income. Maari kasi itong ma-foreclose o mawala kapag ginamit bilang collateral.

100% certainty in business

Kung ganito ang gagawin, siguraduhing napakataas ng tsansang mababayaran ang loan. Kung hindi, maaring mawalan ng bahay; at maaring mawalan ng kabuhayan.

Iwasang ipagamit ang personal na ari-arian bilang collateral sa loan ng iba

Madami sa mga nagpapa-advice sa akin na ipinahiram sila sa kaibigan o kamag-anak ang kanilang ari-arian pang-collateral sa loan nila. Hindi nabayaran ang loan at ngayon, fino-foreclose na ang property.

Labis-labis ang ganitong pagtulong dahil inilalagay mo sa peligro ang sarili mo habang ang pamilya o kaibigan ay protektado. Sila na ang nakagamit ng pera galing sa loan, hindi pa sila nawalan.

Samantalang ikaw, hindi mo na-enjoy ang loan; nawala pa ang ari-arian mo. Huwag maging martyr, hindi ito ang tamang pagtulong.

Self preservation

Para sa akin, kailangang patataging muna ang sarili natin financially, bago tayo makakatulong financially. Kailangan protektahan ang sarili bago isipin ang kapakanan ng iba.

Laging tatandaan na hindi sapat ang awa at tiwala ang gamit kung tutulong financially tulad ng pagpapahiram ng personal na ari-arian na gagamitin ng iba pang-collateral.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: