Marami ang interested sa stock market investing, lalo na sa mga college students. Halos 65% sa kanila ang nagsasabing interesado sila dito. Pero, salamat na lang at less than 1% lang ng mga Pilipino ang may stock market accounts, na para sa akin ay magandang bagay. Mas marami pa kasing ibang investment options na mas safe at maganda para sa economic status ng karamihan sa mga Pilipino.
Stocks
Ang stock, ito yung pruweba na tayo ay may-ari o co-owner ng isang kumpanya o korporasyon. Tinatawag din itong shares o equity. Sa mga cooperative, share capital naman ang tawag. Kapag nag-invest tayo sa stock o share capital, may karapatan tayo o claim sa mga ari-arian at kita ng korporasyon. Pero, kapag magsasara ang korporasyon, una muna nilang babayaran ang liabilities bago tayo. Kaya, importante rin na alam natin ito.
Pagdating sa common shares at preferred shares, may kaibahan sila. Ang common share may voting power, samantalang ang preferred share wala. Pero, totoo lang, kahit ako bumibili ng common shares sa stock market, hindi ko ramdam na may voting power ako. Sobrang liit kasi ng percentage para maka-apekto sa decision-making ng kumpanya.
Stock market
Ang stock market, ito yung pisikal o virtual na lugar kung saan tayo nakakabili at nakakapagbenta ng stocks, lalo na sa mga publicly listed companies. Dito sa atin, Philippine Stock Exchange ang tawag diyan.
Yung proseso, usually, yung mga korporasyon nag-a-apply para malista sa stock exchange. Pagkatapos, ibebenta nila ang kanilang stocks sa mga investors. Ang mga investors, pwede na nilang ibenta ang stocks sa ibang investors para kumita, pwede sa capital gains o sa dividends, kung nagbibigay ang company. Itinuturing itong high risk investment, kaya dapat pag-isipan mabuti.
Experience with stock market
In my case, meron akong index-based investments sa isang brokerage firm. Pangalawa, meron akong online na exchange-traded fund. Tapos, kumuha din ako ng UITF na index-based na equity sa isang universal bank.
Ginagawa ko itong tinatawag na peso cost averaging strategy. Sa strategy na ito, hindi na ako masyadong nag-iisip. Basta’t tuwing ika-17 ng buwan, automatic na nagde-debit sa account ko ng ₱10,000 para sa fund na ‘yon, at ito’y automatic na ginagawa. Maganda itong paraan ng pag-invest para maiwasan ang paghalo ng emosyon sa desisyon.
Yung dalawa kong stock expsoure sa ETF at UITF, maliit lang. Bumibili ako kapag pakiramdam ko mababa ang market. Diin sa “pakiramdam,” ha? Maliit lang ang exposure ko dito kumpara sa mahigit PhP350 million assets na minamanage ko. Tig-₱50,000 lang sila. Ibebenta ko ang mga ito kapag mataas na ang index.
Coop share capital versus stock exchange
Dapat, ang investing parang love life – consistent, predictable, at steady. Hindi dapat parang roller coaster. At sa totoo lang, mas masaya ako sa investment ko sa coop. Kung ikukumpara, yung ₱1 million ko noong 2005, naging ₱8.78 million na sa coops, at ₱3.08 million lang sa stock market.
Dito ko talaga napaisip sa konsepto ng high risk, high returns. Sa stock market, sobrang taas ng risk, pero yung returns, hindi naman ganun kataas. Pero sa cooperative, kahit high risk, talagang high returns ang naibigay sa akin. Kaya mas pinipili ko yung social investment. Pareho lang naman ng risk, pero may social impact pa. Di ba?
Oy, sinasabi ko ‘to sa inyo para ipakita na mahirap maging “financial guro” kung walang experience sa iba’t-ibang investment tulad nang sa stock market. Mahirap ipakita sa inyo kung ano talaga ang nangyayari kung wala akong actual experience, di ba? Iyan ang dahilan kung bakit konti lang ang in-invest ko sa stock market. Pero sa totoo lang, parang gusto ko na rin sana itigil na lang.
Stock market pre-requisites
Bago ka pumasok sa stock market investing, dapat meron kang financial plan hanggang retirement. Dapat may emergency savings ka, maximum contributions sa SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth, may health insurance ka, wala kang consumer debt, meron kang capital protected investments, at meron kang 2,000 learning hours sa stock investing.
Nung tinanong at sinimulate namin ‘yan sa isang online research, 3% lang ang pumasa. Ang natitirang 97% ay bagsak! Kaya mas mabuti pa, huwag na lang tayong pumasok sa stock market, dahil unpredictable at speculative ito, at obvious na maraming Pilipino ang hindi handa at angkop para dito.
Why not stock investing?
Ang emphasis sa stock market ay sa future earnings, pero sobrang laki ng uncertainty. Sa Islam, ang tawag dito ay gharar. Sa mga ganitong investments, yung top 1% ng society ang nakikinabang. Sa totoo lang, noong nag-public offering sila, parang nagbenta lang sila ng papel sa atin na sinasabing, “Oh, etong share capital na ito, worth ₱1,000.” Tayo naman, maniniwala at bibili. At sino ang nakinabang? Yung top 1% ng society. Sobrang profit-driven. Kaya para sa akin, hindi ako sang-ayon sa stock market bilang investment strategy para sa karaniwang Pilipino.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabin, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent