Have a Question?
Mga KaSosyo at KaNegosyo, alam niyo naman ako—hindi ako nananakot pagdating sa pera. Pero pag usapang retirement, kailangan talaga natin harapin nang maaga. Kaya kwentuhan muna tayo: paano nga ba step-by-step magplano para sa retirement?
Step 1: Assess Your Current Financial Situation
Bago ang lahat, kilalanin mo muna ang estado ng bulsa mo.
Gamitin natin ang mga tools na ito para klaro ang picture:
- Money in, money out
- SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth)
- Financial health check
- Personal finance diagnostics
- Estate record
Step 2: Define Your Retirement Goals
Now, i-envision natin: Ano ba talaga ang gusto mong retirement?
Gusto mo bang mabuhay hanggang 100?
Ako, sabi ko nga—kung may technology na ganito pa rin katawan ko when I reach 100, GO! Pero kung lantang gulay na, ayoko na.
Kasama sa goals mo dapat ang financial responsibilities after retirement.
Tayo pa rin ba ang aasahan ng pamilya?
O sarili na lang natin ang iintindihin?
Kadalasan, retirees ang nagiging target for financial help—anak, apo, pamangkin, kapitbahay. Kaya dapat malinaw:
Hanggang saan ka tutulong?
Ano ang legacy na gusto mong iwan?
Step 3: Determine Your Spending Needs and Income
Magkano ang target retirement fund mo?
Ia-adjust natin ang mga numbers for inflation.
Kasi ‘yung Php50,000/month ngayon, hindi na ’yan sapat after 15 years.
Example namin ni Edwin:
When we retired at 31, ang passive income namin that time ay Php50,000/month each.
Ngayon, I’m 46—so 15 years later, Php104,000/month na ang equivalent niyan at 5% annual inflation rate.
Lesson: Inflation is real. Kaya dapat kasama siya sa computation.
Step 4: Choose the Right Investments
Dito tayo magiging masinop.
Good investments for retirement
- SSS (regular, mandatory and voluntary pension booster)
- Pag-IBIG MP2
- Rental property
- Time deposits in cooperatives
- Time deposits in rural banks
- Retail Treasury Bonds and Retail Dollar Bonds
Investments to avoid
- Variable Universal Life insurance (investment-linked insurance)
- Stock market
- Equity and Balanced Fund ng Mutual Funds and Unit Investment Trust Funds
- Cryptocurrencies and Non-Fungible Tokens
Step 5: Implement, Monitor, and Communicate
Hindi sapat na may plano ka lang.
Kailangan ipatupad.
Kailangan subaybayan.
At higit sa lahat—ipaalam sa pamilya.
Hindi pwedeng ikaw lang ang may alam ng plano mo.
Kasi kung alam nila ang goal mo, mas madali silang makakatulong.
Mutual support ‘yan, hindi solo flight.
And last but not least: Create systems.
Para maiwasan ang:
- Analysis paralysis
- Temptation
- Overthinking
- Impulse decisions
Ako si Sir Vince, financial guro at your service.
Tandaan: Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent