Mga KaSosyo at KaNegosyo, mayroon akong magandang balita mula sa Social Security System (SSS)! Inilunsad na ang MySSS Pension Booster program, isang bagong programa na may layuning palakasin ang ating retirement at savings. Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, ang MySSS Pension Booster ay nag-aalok ng projected 7.2% annual return rate.
Ang programang ito ay dating kilala bilang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) at WISP Plus. Ngayon, binago na ang pangalan upang mas maipakita ang pangunahing layunin ng programa: ang pag-boost ng retirement funds natin. Ang pagbabago ay bahagi ng mga reporma na hatid ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na isinulong ni Finance Secretary Ralph G. Recto noong siya ay senador pa.
Sa event na ginanap sa SSS headquarters sa Quezon City, binigyang-diin ni Macasaet ang kahalagahan ng maagang pagpaplano para sa retirement. Dumalo ang iba’t ibang sektor tulad ng maritime professionals, OFWs, self-employed professionals, at corporate executives. Ayon kay Macasaet, ang bagong programa ay akma para sa mga nais ng mas mataas na retirement benefits, kabilang na dito ang mga doctors, lawyers, OFWs, Filipino seafarers, at young professionals.
Sabi nga niya, “Ngayon ang tamang panahon para simulan ang pagbuo ng iyong retirement fund sa tulong ng SSS.” Ang MySSS Pension Booster ay hindi lamang isang ordinaryong retirement savings plan. Isa itong safe, convenient, at tax-free investment opportunity na magpapalago ng iyong kontribusyon. Sa pamamagitan ng programang ito, makakamit mo ang iyong savings goal at masisiguro ang isang komportableng retirement.
Ang MySSS Pension Booster ay may dalawang scheme: mandatory at voluntary. Sa mandatory scheme, automatic na enrolled ang mga SSS members na nagko-contribute sa Regular SSS Program. Samantalang ang voluntary scheme naman ay nagbibigay ng karagdagang pagkakataon para makapag-ipon ng higit sa threshold.
Ayon kay Joy A. Villacorta, SSS Vice President for Benefits Administration Division, “Rest assured, ang inyong mga kontribusyon at earnings ay nasa ligtas na kamay. Kami ang magmamanage ng inyong account at ilalagay namin ang inyong kontribusyon at interest earnings sa MySSS Pension Booster.”
Mga KaSosyo at KaNegosyo, ito na ang pagkakataon natin para siguruhin ang masaganang hinaharap. Mag-invest na sa MySSS Pension Booster at simulan ang pagbuo ng iyong retirement fund ngayon! Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, laging nagpaalala na ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent