was successfully added to your cart.

Cart

Sovereign Wealth Funds (SWFs): Ang superhero ng ekonomiya

Napakalaki ng papel na ginagampanan ng mga Sovereign Wealth Funds (SWFs) sa ekonomiya ng isang bansa, lalo na sa mga oras ng pagbabago at krisis. Sa post na ito, ating bibigyang-pansin ang apat na malalaking benepisyo ng SWFs. Ito’y ang kakayahang mag-stabilize ng ekonomiya, ang long-term investment perspective, ang pag-align ng investments sa national objectives, at ang konsepto ng intergenerational equity.

 

SWFs bilang price stabilizer

Ang mga Sovereign Wealth Funds o SWFs ay isang mahalagang mekanismo para masmooth out yung epekto ng malikot o volatile na presyo ng mga commodities o sobrang laking trade surpluses. Nakapagbibigay ito ng economic stability.

Halimbawa, pag biglang taas ang presyo ng langis sa isang bansa, pwede nilang ilagay yung extrang kita nila sa SWF nila. Sa panahon na bumaba yung presyo o may economic downturn, pwede gamitin ng bansa yung SWF para makabawi, at sa ganitong paraan, na-stabilize yung ekonomiya. Imagine mo ‘to, ‘yung SWF ay parang ultra mega umbrella sa panahong biglaang umuulan ng problems sa economy.

Dagdag pa, nagbibigay sa mga bansa ang SWFs ng chance na idiversify ang kanilang mga income by investing sources sa iba’t-ibang uri ng asset classes at industries sa iba’t-ibang bansa. Dahil dito nababawasan ang risk na associated sa sobrang pag-depende sa isang volatile na source ng revenue, gaya ng langis tulad ng maraming bansa sa Middle East.

 

Long-term investment horizon

Bilang state-owned entities, may kakayahang mag-invest ang mga SWFs sa mas matagal na time horizon kumpara sa mga private investors. Dahil long-term ang outlook nito, para silang loyal na jowa mo na laging nandiyan kahit anong mangyari. Ang long-term na perspective na ito ay nagbibigay ng kagandahan para sa SWFs na mag-invest sa mas risky o less liquid assets na maaaring mag-offer ng mas mataas na returns in the long run. Halimbawa nito ay mga investments sa infrastructure.

 

National development

Madalas, nag-iinvest ang mga SWFs sa mga sectors na aligned sa strategic objectives ng kanilang bansa, Yung mga nagpopromote ng national development at growth. Halimbawa, pwedeng mag-invest ang isang SWF sa mga infrastructure projects para sa job creation. Sa technology o renewable energy, ang mga investments ng SWFs ay pwedeng magdrive ng innovation at tulungan ang ekonomiya na magtransition towards a more sustainable model. Parang true beauty queen ang SWF, hindi lang beauty, may purpose pa

 

Para sa kinabukasan

Ang konsepto ng intergenerational equity ay sentro sa maraming SWFs, lalo na yung mga funded by revenue mula sa mga resources na nauubos o non-renewable gaya ng langis. Sa pagset aside at pag-invest ng parte ng kita mula sa langis, siguradong makikinabang ang future generations. Ginagawa nila ito to invest the profits from their oil and gas resources, para sureball na may baon ang future generations kahit na maubos ang langis.

Obvious naman na super powerful ang mga Sovereign Wealth Funds, KUNG maganda ang pamamalakad nito at walang korapsyon. Parang itong baon natin for the future Kaya, suportahan natin ang SWF na walang bahid ng katiwalian at nepotismo. Para in the end mamamayan ang panalo, hindi puro bulsa ng mayayaman.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: