was successfully added to your cart.

Cart

Sovereign Wealth Funds: Ang ‘magic wallet’ ng mga bansa

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo, maraming sa inyong patuloy na suporta at pagbabasa ng aking mga blog. Ako po ulit ang inyong financial guro, at your service. Ngayon, pag-uusapan natin ang tungkol sa Sovereign Wealth Funds (SWFs) at ang kahalagahan nito sa ating ekonomiya. Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan. Kaya, sama-sama nating matutunan ito!

 

Ano ang Sovereign Wealth Funds?

Ang Sovereign Wealth Funds (SWFs) ay mga investment funds o “magic wallet” na pag-aari ng gobyerno na ginagamit ng mga bansa para mapakinabangan ng mamamayan at mapalago ang ekonomiya. Ito ay binubuo ng iba’t ibang uri ng ari-arian o assets tulad ng mga stocks, bonds, real estate, o iba pang financial instruments. Kumbaga para itong buffet ng assets na madalas nagmumula sa budget surplus ng isang bansa.

Nagsimula ang konsepto ng SWFs noong mid-20th century, reminder nasa 21st century na tayo, na pinangunahan ng mga bansang may sobrang kita mula sa mga commodities tulad ng langis. Halimbawa nito ay ang Kuwait Investment Authority na itinatag noong 1953, na madalas itinuturing na unang SWF sa buong mundo. Sa paglipas ng panahon, marami pang ibang bansa ang sumunod sa paggawa ng kanilang sariling SWF, lalung-lalo na yung mga mayaman sa natural resources.

Ang SWFs ay parang lifebuoy sa ekonomiya. Malaki ang kontribusyon nito sa economic stabilization ng isang bansa. Nag-iinvest ito ng surplus na nagbibigay ng buffer laban sa mga economic downturns. Halimbawa, sa mga panahon ng mababa ang presyo ng langis, ang mga bansang mayaman sa langis ay maaaring gumamit ng kanilang SWFs upang balansehin o punan ang anumang pagbaba sa kita.

 

Long-term na investment strategy

Ang kagandahan ng mga SWF, mahaba ang kanilang pisi sa pag-iinvest. In contrast, sa mga private investors kasi mas nakatuon sila sa short-term profits. Lamang ang mga SWF dito dahil ito ay may long-term investment horizon. Isa ito sa mga superpowers nito. Dahil dito, nagagawa nitong pasukin ang mga investment na kahit may potensyal na short-term risk o hindi profitable sa ngayon, ay maaaring magdulot ng malalaking kita o benepisyo in the future. Tintingnan nito ang bigger picture.

 

National strategic objectives

Ang mga SWF ay may malalim na impluwensya sa national strategic objectives o mga layunin ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pagchannel ng mga capital o puhunan sa specific sectors or industries, naitataguyod nito ang national priorities, tulad ng development ng infrastructure, technological progress, o economic diversification.

In real life, ginagamit ng ilang oil-rich countries ang kanilang SWFs para mag-invest sa mga industriya na walang kinalaman sa langis. Ito ay para madiversify ng kanilang ekonomiya at mabawasan ang kanilang dependency sa kita sa oil industry. Para itong paggamit ng sunblock pera protektahan ang ekonomiya nila para hindi sila masunog sa sobrang dependency sa langis.

Kaya mga KaSosyo at KaNegosyo, hindi lang pala sa magic shows may magic wallet, pati pala sa ekonomiya! Alamin natin ang iba’t-ibang uti ng SWF sa susunod na blog.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: