was successfully added to your cart.

Cart

Sir Vince on Negosyo and Investments Tips for OFW with Tita Norie of DZBB

Isang makabuluhang talakayan tungkol sa pagnenegosyo at pag-iinvest ang ibinahagi ni Sir Vince Rapisura sa programang “Trabaho at Negosyo” ng DZBB, sa panayam ni Norie Temblor. Naka-live man mula sa España si Sir Vince, ramdam na ramdam ang kanyang malasakit sa mga OFWs at kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Sa simula pa lamang ng usapan, binigyang-diin ni Norie ang realidad na kinakaharap ng maraming OFWs—patuloy ang padala sa pamilya, pero kadalasan ay walang naiipon at walang napupundar na negosyo. Dito agad nagbigay ng malinaw na direksyon si Sir Vince.

Aniya, hindi dapat hintayin ng OFWs na matapos ang kanilang kontrata bago magplano ng negosyo.

“Tamang-tama yung sinabi mo, Tita Norie. Dapat talaga pinaghahandaan ang pagnenegosyo. Hindi yung aantayin pa natin matapos ang kontrata bago magsimula magplano. In fact, ang ginagawa namin, dapat habang nasa abroad pa ang OFWs, gumagawa na sila ng business plan para pagbalik nila sa Pilipinas, may malinaw na silang plano na iiimplement.”

Para kay Sir Vince, ang pagnenegosyo ay hindi dapat minamadali o ginagawa dahil lang kapag pauwi na. Habang may steady income pa sa abroad, iyon na ang pinakamagandang panahon para mag-research, magplano, at maghanda.

Passion o Market?

Sa kalagitnaan ng usapan, nabanggit ni Norie na, “may nagsasabi rin na kung gusto mong magnegosyo, dapat aligned sa passion mo, sa gusto mo.”

Bagama’t hindi ito mali, may mas mahalagang dapat unahin. Paliwanag ni Sir Vince,

“Oo, tama naman na may passion ka sa ginagawa mo. Pero para sa akin, mas mahalaga na maintindihan mo ang pangangailangan at kagustuhan ng market. At the end of the day, sino ba ang bibili ng produkto o serbisyo mo? Yung market,”

Dagdag pa niya, kung hindi malinaw ang demand, mahihirapan ang negosyo tumagal. Kailangang alam mo kung sino ang target customers mo at ano talaga ang kailangan nila.

Pagkuha ng Kaalaman Habang Nasa Abroad

Isa sa mga tanong ni Tita Norie ay kung paano makakakuha ng sapat na kaalaman ang mga OFWs na nasa ibang bansa. Dito ibinahagi ni Sir Vince na marami nang available na training programs, lalo na online.

“Marami nang online classes ngayon. Kami sa Ateneo, since 2008, nagbibigay na kami ng training para sa OFWs — business planning, financial literacy, at leadership. Ang tawag dito ay Ateneo OF-LIFE program (Click here to learn more). May online at may face-to-face, blended course siya.”

Bukod dito, may mga programa rin ang Department of Migrant Workers at ang mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa. Para kay Sir Vince, mahalagang itake advantage ang mga ganitong oportunidad dahil libre o accessible ang kaalaman—kailangan lang talagang paglaanan ng oras.

Iprofessionalize ang Negosyo

Binigyang-diin ni Sir Vince ang isang mahalagang prinsipyo: ang paghiwalayin ang personal at negosyo, lalo na kung pamilya ang kasama sa pagpapatakbo nito. “Kailangan nating i-professionalize ang pagnenegosyo — hindi yung bara-bara lang.”

Ipinaliwanag niya na kung kamag-anak ang magpapatakbo ng negosyo, dapat malinaw ang roles at sweldo. Giit niya “Iseparate ang business at personal. Kung kamag-anak mo ang magpapatakbo ng negosyo, tratuhin mo sila bilang empleyado. Hindi pwedeng kapag lugi, walang sweldo; kapag may kita lang saka may sweldo. Mali iyon.”

Dagdag pa niya, mahalaga ring paswelduhin ang sarili kung ikaw ay aktibong nagtatrabaho sa negosyo. “Dapat kasama sa costing ang sweldo ng lahat — pati sarili mo kung nagtatrabaho ka rin sa negosyo. Kung hindi mo isasama iyon sa costing, hindi mo makukuha ang totoong full cost ng business at hindi mo mababawi sa presyo ang dapat mong kitain.”

Para kay Sir Vince, ang malinaw na sistema ang susi para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Ang 40-30-30 Net Income Rule

Pagdating sa paghahati ng linis na kita, ibinahagi ni Sir Vince ang kanyang simpleng formula para sa net income—ibig sabihin, bawas na ang lahat ng expenses.

“May rule ako: sa net income — ibig sabihin, bawas na lahat ng expenses — 40% ay ire-reinvest sa negosyo para lumago. Yung 30% mapupunta sa investors, yung nagbigay ng kapital pero hindi nagtatrabaho sa negosyo. at yung natitirang 30%, para sa mga empleyado bilang reward o bonus. Proportional iyon depende sa oras o araw na trinabaho nila sa buong taon.”

Sa ganitong paraan, may malinaw na growth fund ang negosyo, may return ang kapital, at may incentive ang mga nagtatrabaho.

Ang “SEXY” Framework sa Investment

Hindi rin nawala ang usapin tungkol sa pag-iinvest. Dito ipinakilala ni Sir Vince ang kanyang madaling tandaan na SEXY investment framework.

“Ang S ay Secure — dapat ligtas ang pera mo, makakatulog ka nang mahimbing.”

“Ang E ay Encashable — madali mo siyang ma-convert into cash.”

“Ang X ay may positive social impact o hindi nakakasira sa environment.”

“At panghuli ang Y — Yield o kita.”

Binigyang-diin niya na madalas, lalo na sa mga OFWs, ang unang tinatanong ay kung magkano ang kikitain. “Kadalasan kasi, lalo na sa OFWs, ang unang tanong agad: ‘Magkano ang kita?’ Pero dapat huli mong tinitingnan ang yield. Unahin mo muna kung secure, encashable, at may magandang impact,” paliwanag ni Sir Vince.

Para sa kanya, isa sa mga halimbawa ng “sexy” investment ay ang Pag-IBIG MP2. Ibinahagi rin niya na kabilang sa mga government-guaranteed options ang Pag-IBIG savings (regular at MP2), SSS kasama ang MyPensionBooster, Treasury bonds ng gobyerno, at bank deposits na insured ng Philippine Deposit Insurance Corporation.

Isang Paalala para sa OFWs

Sa kabuuan ng panayam, malinaw ang mensahe ni Sir Vince: ang financial freedom ay hindi biglaan at hindi nakukuha sa padalos-dalos na desisyon. Ito ay bunga ng maagang paghahanda, tamang kaalaman, malinaw na sistema, at disiplinadong pag-iinvest.

Mula España hanggang Pilipinas, ang kanyang panawagan sa mga OFWs at kanilang pamilya ay simple ngunit makapangyarihan—magplano nang maaga, magnegosyo nang propesyonal, at mag-invest nang “SEXY.”

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.