was successfully added to your cart.

Cart

Sir Vince: Mula Taga-serve ng Kape Hanggang Sa Pagiging Lider!

Sa malawak na mundo ng social development, bihira ang mga kwento na kasing impactful kay Sir Vince. Fresh grad siya mula sa Ateneo, isang sikat na unibersidad na kilala sa pag-produce ng mga matalino sa bansa, at sumabak siya sa isang journey na magbabago hindi lang sa buhay niya kundi pati na rin sa maraming tao.

Si Agnes, dating Associate Executive Director ng Punla sa Tao Foundation, ay naaalala pa ang unang beses na nakita niya ang resume ni Vince. “Sinabihan ako ng aming presidente na may isang applicant, subukan ko daw interviewhin,” kwento niya. “Pagtingin ko sa resume niya, naisip ko, ‘Kaya kaya ng fresh grad mula Ateneo na tumagal sa social development?’ Pero may kakaiba eh. May puso at determinasyon siya.”

“Sabi ko, may nakikita akong potential.”

Dagdag din ni Lysil, Operations Manager ng SEDPI KaNegosyo, na may halong tawa, “Ohhh. Ateneo ah.” Tumango si Agnes, kinikilala ang stereotype pero mabilis na ipinagtanggol ang karakter ni Vince. “Tingnan natin kung ano kung magtatagal siya ng ilang buwan. Nalampasan niya yun.”

Pero syempre, hindi rin madali ang journey ni Vince. Naalala ni Agnes na dati, training assistant lang si Vince, taga-serve ng kape at assist sa mga minor tasks during a World Bank training. Pero may ibang plano ang tadhana. Nang magtanong ang trainer na hindi masagot ng kahit sino, si Vince ang tumayo at sumagot.

“Nagustuhan nung trainer namin. Sabi niya, gusto kita, you are a participant now.”

Mula noon, hindi na lang training assistant si Vince. Naging participant na siya, tumutulong pa rin pero aktibo na sa training. Ang pagiging recognized at respected niya ngayon ay patunay sa kanyang dedikasyon, sipag, at passion.

At sa likod ng inspiring na journey na ito ay ang pagkakatatag ng SEDPI, isang social enterprise na itinayo ni Vince at ng kanyang mga kasamahang may parehong vision. Kwento ni Agnes, “Lahat kami ay nagtatrabaho sa isang organization. Kasi may mga gusto kaming gawin na parang limited dun sa organisasyon na pinagta-trabahuhan namin. So usap-usap kame paano ba ito? Ito yung gusto natin gawin. Paano ba natin ito gagawin? We started with nothing. Walang pera.”

Ang organization ay isinilang mula sa collective vision na magdulot ng malaking social impact, at klarong-klaro na si Sir Vince ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naging successful ito. Mula sa pag-serve ng kape hanggang sa pag-lead ng isang transformative na social enterprise, hindi lang journey ni Sir Vince ang pinag-uusapan dito kundi pati na rin ng lahat ng na-touch ng SEDPI. Ito’y kwento kung paano ang isang grupo ng tao, na pinangungunahan ng isang tao na puno ng passion at ideas, ay talagang makakapagbago ng mundo. Kaya tuloy-tuloy lang ang journey, na pinapalakas pa ng parehong determinasyon at vision na nagsimula ng lahat.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: