Sigurado ka bang recorded sa SSS ang hulog mo? Kabado ka ba kasi baka may gumagamit ng SSS mo?
Puwes, ang solusyon diyan, icheck natin!
My.SSS account
Pumunta sa member.sss.gov.ph at maglogin sa iyong My.SSS account. Dito mo makikita ang lahat ng impormasyon mong nakapasok sa SSS.
Sa member details under member info, dito makikita ang address at contact information pati na rin ang membership status mo. Make sure na ACTIVE ang nakalagay.
Siguraduhing tama ang mga nakalagay na impormasyon para iwas delay sakaling kailanganin nating magfile ng claim.
Monthly contributions for employees
Go to inquiry, then contributions. Sa monthly contributions tab lalabas lahat ng mga kontribusyon as employee simula nang maging SSS member.
In my case, makikitang ang unang hulog ay noong June 2000 sa halagang 336 pesos. Yes, like you, dumaan din ako sa minimum wage levels kaya hindi maximum agad-agad ang SSS contribution ko.
Kapag may nakita kang 0 like this one, ibig sabihin walang naihulog sa mga buwan na yan. Again, in my case, consistent naman na ako ay in between jobs sa mga panahong walang hulog.
Self-employed or voluntary member contributions
Iclick ang SE/VM contributions tab kung ikaw ay self-employed or voluntary member ng SSS. As you can see here, may mga hulog pa rin ako dahil may mga engagements ako sa work na voluntary member ang pasok ng contributions.
You can also check your Flexi Fund and WISP contributions in the following tabs.
Loans info
Under inquiry, click loans info. Dito makikita kung may outstanding loans ka such as salary loan, calamity loan, educational loan, loan restructuring program and housing loan.
Ayan ha, may paraan ka nang makita para macheck ang sabi-sabi ng mga Marites diyan na baka may ibang gumagamit sa SSS mo.
Sa My.SSS account, machecheck online whether your contributions are posted at makikita kung may mga irregularities. This is to make sure na kumpleto ang payments mo para tuloy-tuloy at mas malaki ang makukuhang benepisyo sa SSS.
Prioritize SSS contribution
Kapag mas marami ang hulog, mas malaki ang benpisyo. Sa dami ng benepisyong binibigay ng SSS at sa halaga ng hulog o kontribusyon natin dito; walang private insurance company o pension provider ang tatalo sa SSS.
Kaya kung ako sa inyo, gagawin kong priority ang SSS. Unahin ang SSS contribution sa personal money management.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent