Sa mundo ng social development, konti lang ang pangalan na kasing bigat ni Sir Vince. Kilala siya sa kanyang innovative thinking at heartfelt na pamumuno. Siya ang isa sa mga driving force sa likod ng tagumpay ng SEDPI.
Si Agnes, isa sa mga nagtatag ng SEDPI noong 2004, todo puri sa kanyang mga strengths: “Ano yan, very creative. Morning person, kapag umaga, fresh ang mind mo, tahimik, you can do a lot, so very creative siya at saka yung isang nakita ko sa kaniya pag sinabi niya gagawin niya yun. marami kasing tao na, ano, na maraming vision, visionary, pero hanggang doon na lang.”
Si Lysil, Operations Manager ng SEDPI, agree na agree, “Oo, tama. Pag naisip niyan, derederecho!!”
“Dire-diretso talaga siya, walang preno! Pero in a good way, kasi gusto niya makita na may nangyayari,” dagdag pa ni Agnes.
Pero kahit gaano ka-successful ang isang leader, may mga areas pa rin for improvement. Ayon kay Agnes, “Dahil nga siya, very creative, marami siyang gustong gawin. Super bilis. Minsan nagiging impatient. Pero ngayon, after close to 20 years, kalmado na siya. Nandoon pa rin yung desire to do things na sana maimplement kaagad, pero kalmado na.”
Si Lysil, may dagdag pa, “Pagbaba niya rito… Ang style kasi ni Sir sa leadership, hindi lang siya nagtuturo, parang kumukuha siya ng mga ideas sa amin.”
“Magandang trait yun para sa isang leader. Hindi na siya puro rush, kasi kung makikinig ka, matututo ka talaga. Patuloy siyang natututo sa inyo,” sabi pa ni Agnes.
Hindi lang boss si Sir Vince; isa siyang mentor, visionary, at higit sa lahat, isang leader na umaaksyon base sa kanyang mga pangarap. Kaya naman, tulad ng sinabi ni Agnes, “He puts his heart into it and makes sure it happens.” At yan ang dahilan kung bakit hindi lang pangalan si Sir Vince, kundi isang simbolo ng kung ano ang maabot kapag tama ang kombinasyon ng creativity, puso, at aksyon.
Kaya cheers kay Sir Vince, isang leader na hindi lang nangangarap kundi umaaksyon, hindi lang nagtuturo kundi natututo, at ang kanyang journey ay patunay kung ano ang maabot kapag buo ang puso sa ginagawa.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent