was successfully added to your cart.

Cart

Set It and Forget It: Paano I-Automate ang Savings Ngayong Oil Crisis

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!

Sino ba ang hindi napapagod at hindi naaapektuhan sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasolina sa world market? Dahil mahalagang sangkap sa supply chain ang transportation, ramdam na ramdam natin ang domino effect nito sa pagtaas ng presyo ng ating mga pagkain at pangunahing bilihin. Kaya ang palagi kong paalala sa inyo: Do not splurge dahil may oil surge! Ngayong panahon ng krisis, dapat sa budget kumapit, para sa utang hindi tayo sumabit.

Lagi kong itinuturo ang aking 5-10-85 budgeting rule para sa mga kumikita ng P25,000 pababa: 5% para sa insurance, 10% para sa savings o emergency fund, at 85% para sa mga gastusin. Pero alam ko ang madalas ninyong reklamo: “Sir Vince, paano ako magtatabi ng 10% kung hirap na nga akong pagkasyahin ang budget ko araw-araw?”.

Ang nangyayari kasi, kapag palagi nating iniisip kung mag-iipon ba tayo o hindi ngayong sweldo, nagkakaroon tayo ng “analysis paralysis” at tayo ay napapagod. Sa sikolohiya natin, madalas nananalo ang tukso na gastusin na lang ang pera kaysa itabi.

Kaya ang solusyon diyan: I-automate natin. Set it and forget it!

Para maging mabilis at maging “second nature” natin ang pag-iipon, dapat automatic ito. Kung tayo ay sumusuweldo tuwing kinsenas at katapusan, iprogram na natin sa ating bank app o mobile wallet na may portion ng sahod natin na dederetso na agad sa isa pang savings account. Ang tawag natin diyan ay scheduled transfers.

Isipin niyo na lang ito na parang buwis. Ano ba ang ginagawa ng gobyerno? Bago mo pa matanggap ang sweldo mo, kinaltas na nila ang tax. Ganoon din dapat ang gawin natin sa ating savings para hindi natin makalimutan—kaltas na agad bago mo pa ito magastos.

Kung masyadong mabigat sa iyo ang 10% ngayon, huwag mong pilitin dahil masha-shock ang sistema mo. Unti-untiin natin. Magsimula ka muna sa P500 kada buwan at iset mo ito sa iyong auto-transfer. I-practice mo iyan ng tatlong buwan. Pag naging habit na, ilevel up mo sa P1,000, hanggang sa maabot mo ang iyong target na savings. Ang key talaga diyan ay consistency.

Ang pinakamagandang oras para maghanda sa krisis ay bago pa ito dumating. Pero kung ngayon ka pa lang magsisimula, better late than never. Iset up mo na ang iyong auto-savings account ngayon, at hayaan mong palaguin ng sistema ang pera mo habang ikaw ay naka-focus sa paghahanapbuhay.

Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.