Saan mo ilalagay ang pinaghirapan mong pera, KaSosyo at KaNegosyo? Sa ilalim ng unan? Sa alkansya? O sa mga promising pero unpredictable na investments na parang jowa mong hindi mo alam kung saan ka dadalhin?
Bakit mahalaga ang diversification sa investment?
Dito papasok ang tinatawag nating investment diversification. Ang diversification ay parang paghahanda ng halo-halong ulam para sa fiesta. Imbes na mag-focus sa isang ulam lang, di ba mas exciting kapag varied ang choices mo?
Ang diversification sa investment ay ganyan din – hindi ka naglalagay ng lahat ng pera mo sa isang investment lang. Dito, inilalagay natin ang ating mga investments sa iba’t ibang asset classes para ma-reduce ang risk. Parang sa fiesta, may adobo, sinigang, lechon at iba pa. Pag nagkataon na ang lechon ay nasobrahan sa alat, hindi pa rin spoiled ang kasiyahan dahil marami pang ibang pagpipilian.
Protect your investment
Gusto nating maprotect ang ating pinaghirapang pera laban sa fluctuations ng market. Ayaw nating baka biglang lumubog ang lahat ng ating investments dahil lang sa iisang maling decision, ‘di ba? Ito rin ang ating daan para maabot ang ating mga life goals, tulad ng comfortable na retirement, quality education para sa ating mga anak, at magkaroon ng sariling bahay.
Investment diversification strategies
Para mamanage ang risk, mahalaga ang diversification. Ito ang ilan sa mga sikat na stratehiya.
Socially responsible investments: Ang mga investments na ito ay hindi lang nakafocus sa profit, kundi pati na rin sa impact sa lipunan at environment. Ang idea ay suportahan ang mga sustainable projects na hindi nakakasama sa environment o community para sigurado ang business continuity.
Asset allocation: Ang strategy na ito ay involved sa pagdistribute ng iyong mga investments across different types of assets based sa iyong financial goals. For instance, pwede kang mag-allocate ng funds sa iba’t ibang channels tulad ng MP2, SSS, coop time deposit at share capital, real estate, retail treasury bonds o retail dollar bonds.
Dollar cost averaging: Sa pamamagitan ng pag-iinvest ng fixed amount regularly kahit anong kondisyon ng market, mababawasan mo ang impact ng market volatility.
Rebalancing: Sa strategy na ito inaadjust mo ang iyong portfolio periodically para panatilihin ang iyong ideal o preferred asset allocation. Sa ganitong paraan, magkalinya ang iyong portfolio sa iyong life goals.
Investing in low-cost diversified funds: Ang mutual funds, UITFs, o Index funds ay nagbibigay ng instant diversification sa mababang halaga. Naeexpose ka nito sa maraming asset classes at nababawasan ang impact ng fees sa iyong overall investment return. Ganitong rin ang style ng SEDPI Coop joint venture savings.
Diversifying across industries and sectors: Ang pagspread ng iyong investments across different sectors ng ekonomiya – tulad ng sa agrikultura, teknolohiya, banking and finance, imprastraktura at iba pa – ay pwedeng makabawas ng risks.
Investment strategy and financial goals match
Ang susi sa successful investment ay magkamatch ang investment strategy at financial goals. Hindi ganun kahalaga ang risk tolerance. Kahit na ikaw pa ay risk-take, hindi mo dapat isinusugal ang pera mo para sa emergency fund, edukasyon ng anak, pagpapatayo ng bahay etc. sa stock market o cryptocurrencies. Para maachieve ang life goals mo, dapat kasama sa financial toolbox mo ang mga investment strategies na nabanggit ko.
Tandaan, ang layunin ng pamumuhunan ay hindi lang para palaguin ang iyong kayamanan kundi para rin maseguro ang iyong kinabukasan, ang iyong pamilya at para sa susunod na henerasyon. Maging isang matalinong investor at siguraduhin na ang iyong mga desisyon sa pinansya ay nakalinya sa iyong mga long-term objectives.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent