was successfully added to your cart.

Cart

Sapat ba ang pagkuha ng HMO para sa health insurance?

By December 21, 2019 Insurance

Ang Health Maintenance Organization (HMO) ay organisasyong nagbibigay o nag-aasikaso ng managed care para sa mga indibiduwal o kumpanya at tumatayong liason sa mga healthcare providers gaya ng doktor, ospital, clinics, dentista atbpa., kapalit ng subscription fee . Nagbibigay ng access ang HMOs sa kanilang network of healthcare providers.

Prepaid ang health products ng HMO kapalit ng pagbabayad ng monthly, quarterly, semiannual o annual premiums of fees. Karaniwang isang taon ang coverage ng HMO at ito ay renewable every year na may kasamang maximum benefit limit.

HMO coverage characteristics

Nagbibigay ng coverage sa 4 na milyong Filipino ang mga HMOs sa Pilipinas at 90% sa mga ito ay sa pamamagitan ng corporate plans. Karamihan ng HMO business ay nasa corporate o group plans, ibig sabihin, na yun lamang mga empleyadong nagtatrabaho sa mga korporasyong nagbibigay ng ganitong benepisyo ang nakakakuha nito .

Voluntary basis ang HMO coverage. Hindi ito required sa batas. Pero ito ay isa sa mga nakakaenganyo sa recruitment ng talents sa mga korporasyon.

Cashless ang serbisyo kapag may HMO coverage. Hindi kinakailangang magbayad ng pasyente kapag kumuha ng health care services. Ang HMO ang diretang nagbabayad sa mga kapartner nitong health care providers sa kaniyang network.

Very limited coverage

Nauna ko nang nasabi na ang HMO ay para sa preventive health care dahil hindi nit kayang punan ang gastusin sa mga major illnesses. Nasa PhP150,000 lang ang maximum benefit limit ng mga HMO.

Ang regular treatment cost para sa stroke ay umaabot ng PhP1.8 million; ang acute heart attack ay nasa halos isang milyon; breast cancer sa halos kalahating milllion at ang lung cancer nasa PhP2.7 million. Malayong kakayaning i-cover ito ng maximum benefit limit ng mga HMOs.

Dagdagan ang HMO

In my opinion, ang gobyerno dapat natin ang makapagbibigay ng libreng access sa health care services anong uri man ng sakit magkaroon tayo. Kaya bilang mabubuting mamayan, dapat nating tangkilikin ang PhilHealth at magbayad tayo ng ating kontribusyon.

Dahil hindi rin sapat ang ibibigay na coverage ng PhilHealth, kailangan nating kumuha g private health insurance mula sa mga life at non-life insurance providers na nagbibigay ng mas malaking coverage lalung-lalo na kung maoospital.

Alalahanin ang aking 5-15-20-60 budgeting rule kung saan, 5% lamang ng iyong kinikita ang ilalaan sa premium payment para sa insurance. Kapag as mataas na dito ang binabayaran, masyado nang mahal ito.

Makakatulong ang mga babasahing ito sa iyo:

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: