was successfully added to your cart.

Cart

Sablay Ka Ba sa Retirement Planning? Baka Hindi Mo Kasalanan (Pero May Magagawa Ka Pa)

Have a Question?

    Your Name (Required)

    Your Email (Required)

    Mobile Number (Required)

    Subject (Required)

    Your Message (Required)


    Read Terms and Conditions

    “Sablay ang finances ko at malapit na akong mag-retire…” Ito ang unang pahayag na tumambad sa akin mula kay Marian, isang OFW na tatlong taon nang nasa Brunei.

    Hindi siya nag-iisa. Sa dami ng nakausap ko mula sa Ateeo OFLIFE Brunei Batch 143, marami sa kanila ang may parehong tanong: Paano hahabol kung late na nagsimula?

    Si Roel, 29 years na sa Brunei, nagtanong din: “Paano mag-ipon kung may pamilyang sinusuportahan at may sakit?”

    May urgency, may kaunting guilt, pero higit sa lahat, umaasa na kahit papaano, may maihahabol pa.

    Ito ang advice ko sa kanila, na maaring applicable din sa iyo.

    1. Determine a realistic retirement age

    Straight talk tayo, ha? Kung ikaw eh may 5 to 10 years pa bago mag-retire, aba eh kaya pa ‘yan! Pero kung 8 months na lang? Naku, baka kailangan na nating mag-dasal at gumawa ng milagro.

    Hindi mo na afford ang trial-and-error kung naghahabol ka na for retirement. SSS pa rin ang backbone ng retirement mo. Dapat meron qualified ka monthly pension ng SSS.

    Make sure na makakacontribute sa highest regular monthly salary credit ng SSS contribution to make sure na monthly pension ang makukuha at mas mataas ang amount.

    For example, when you reach 65 years old, kulang ka pa ng 24 months na hulog para makumpleto ang 120 months to qualify for the monthly pension, reset your retirement age to 67 instead of 65.

    You can also consider working part time. Actually, for me, overstated yung wala ka nang gagawin sa retirement age mo. Mas maganda pa rin ang meaningful and productive retirement. Discover what it is that makes you happy at —at kung puwede mo pa ’yang pagkakitaan, eh di parang hindi ka nagtatrabaho, ’di ba?

    Sabi nga ni Confucius, choose a job you love, and you will never have to work a day in your life. O di para ka na ring retired niyan di ba? Nag-eenjoy ka na, may bayad ka pa.

    2. Take advantage of government savings program for retirement

    Ang Pag-IBIG MP2 Savings Program ay isang voluntary savings scheme na ino-offer ng Pag-IBIG Fund na may mas mataas na dividend rate kumpara sa regular savings. Para ito sa mga miyembro na gusto ng ligtas, government-backed, at tax-free na investment which is locked in for 5 years.

    Ideal ito para sa mga naghahabol ng passive income na low risk—perfect para sa retirement. Ang kagandahan dito, pwedeng maghulog kahit kailan at kahit magkano—walang pressure!

    Pro tip: Kapag 55 ka na, mag-open ka ng isang MP2 account tuwing birthday mo. Halimbawa:

    • Age 55: unang MP2
    • Age 56: pangalawang MP2 account, stop mo na hulugan yung unang account.
    • Age 57: pangatlong MP2 account, stop mo na ring hulugan ang second account
    • Age 58: pang-apat na MP2 account, stop na ang hulog sa third account
    • Age 59: panglimang MP2 account, stop na ang hulog sa fourth account
    • Age 60: Matured na yung hinulugan mong first account. Maari mi itong gamitin in full or partial. Kung partial o di gagamitin, open ka ulit ng another MP2 account at irollover mo dito, at kung kaya mo hulugan mo ulit.
    • Age 61:  Repeat what you did at age 60 and so on and so forth…

    Puwede mo rin itreat ang SSS pension booster as additional savings for your retirement. Ito ay dagdag-ipon na puwedeng mandatory o voluntary—depende sa status mo.

    Para sa may sweldo na greater than ₱20,000 up to 35,000, automatic na may mandatory booster na bahagi ng hulog mo at ng employer mo.

    Pero kung gusto mong magdagdag pa para mas malaki ang pension o lump sum mo sa future, puwede kang maghulog sa voluntary booster—kahit OFW, self-employed, o voluntary member ka.

    Ang maganda dito, tax-free, government-backed, at may mas mataas na kita kaysa sa regular savings.

    3. Automate and systematize your retirement savings

    Walang oras para sa “isipin ko pa.” Kailangan desidido. Ang system? Dapat automatic. Hindi ‘yung tuwing sahod pa lang, nag-iisip ka kung mag-iipon o hindi… retirement savings mo—automatic transfer.

    So nakasetup na dapat ang automatic payment mo sa SSS at Pag-IBIG MP2 every month. Gawin mong parang tax—bago mo pa mahawakan ang sahod mo, bawas na agad. I-set up mo na ’yan sa bank app mo.

    Gamitin ang SEXY Investment framework as guide sa system mo.

    Hindi ito joke—SEXY talaga ang tawag ko rito:
    S – Secure
    E – Encashable
    X – X-factor (social/environmental impact)
    Y – Yield

    Idiversify ang investments mo: SSS booster, MP2, cooperative at rural bank time deposits, at kung kaya mo, rental property.

    Importante: unahin mo muna ang seguridad at liquidity bago ka maghabol sa return. Huwag basta-basta patusin ang “malaking kita agad” schemes.

    Hindi kailangang exciting ang investing mo. In fact, dapat hindi. Ang prinsipyo ko: Investing should be boring—steady and consistent. Ayaw mo ng roller-coaster ride o yung tipong kabado kang matulog.

    Ito ang disiplina na panalo sa long run. Kung huli ka na nagsimula, kailangan mong maging mas consistent kaysa aggressive.

    4. Reevaluate expenses and downsize or monetize assets

    Ito na ang panahon ng paglilinis ng budget—as in totoo at walang halong denial. Kung naghahabol ka sa retirement, hindi puwedeng gastos pa rin ng gastos na parang 30 ka lang.

    Tingnan mo ang mga ari-arian mo. May property ka ba na puwedeng parentahan? May second car ka bang bihira naman gamitin? Baka puwedeng pagkakitaan o ibenta para madagdag sa retirement fund.

    Simulan mo na rin gumawa ng bare-bones retirement budget—yung tipong stripped-down version ng lifestyle mo. Practice living on it NOW para hindi ka mabigla pagdating ng actual retirement.

    Balikan mo ang needs vs wants. Ang priority mo dapat: healthcare, housing, at pagkain. ’Yung bagong phone? Next time na lang.

    Importante ring kausapin ang pamilya. Anong expectations nila sa ’yo? Ano ang kaya mong ibigay? Set clear boundaries pagdating sa financial support at living arrangements.

    Kung may plano kayong intergenerational assistance o caregiving setup, ayusin na habang maaga. Hindi ito tsikahan lang—kailangan may plano, may kasunduan, at may respeto.

    Hindi lang ito financial planning—emotional and relational planning din ito. Mas magaan ang retirement kung klaro ang usapan at hati-hati sa responsibilidad.

    5. Retirement is a right, not just a personal responsibility

    Alam mo, habang kausap ko ang mga OFWs sa Brunei, damang-dama ko ‘yung pressure nila. Parang kung hindi ka nakapaghanda, kasalanan mo. Parang kapag kulang ang ipon mo, bobo ka o tamad ka. Pero teka lang—hindi ba’t may mali sa ganitong narrative?

    Let’s pause and rethink.

    Oo, responsibilidad natin ang mag-ipon, mag-budget, at mag-invest. Pero kung ang retirement ay nakaasa lang sa personal savings, sa market performance ng investments, o sa swerte, paano na ‘yung milyon-milyong minimum wage earners? Paano ‘yung mga informal workers? ‘

    Dapat klaro: Retirement is a right. Hindi ito privilege lang ng may kaya. May obligasyon ang gobyerno na magbigay ng maayos na pension system—isang sistema na may sapat na pondo, pantay-pantay ang pagtrato, at hindi ginagawang negosyo ang pagtanda.

    Dito papasok ang wealth redistribution. Sa pamamagitan ng progresibong buwis at mas mataas na employer contributions, dapat napopondohan ang public retirement system—para lahat, may dignidad sa pagreretiro, hindi lang ‘yung may MP2 at investments.

    At kung sasabihin ng iba, “Eh kasi di ka nag-ipon.” Ang sagot: Teka muna. Tingnan natin ang mas malawak na picture.

    Bakit ba hindi makapag-ipon ang karamihan? Eh di ba dahil sa wage stagnation? Sa contractual work, sa job insecurity, sa gender pay gap, sa kakulangan ng social safety nets?

    Hindi dapat individual lang ang inaasahang humabol. Ang retirement ay collective commitment. Dapat meron tayong community care systems and mutual aid. Hindi puro “mag-invest ka na lang” o “kulang kasi diskarte mo.”

    Kaya dapat i-push ang:

    • Universal, livable pensions na may flat-rate at earnings-based component.
    • Libreng healthcare, long-term care at home care subsidies, elder housing.
    • Basic income programs para sa matatandang kailangan pang magtrabaho.

    Ang tanong dapat: Anong klaseng lipunan ang gusto natin pagtanda natin?

    Ang sagot ko: ’Yung hindi tayo pabigat. ’Yung may dignidad. At ’yung hindi tayo nag-iisa.

    Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

    USEFUL RESOURCES

    Sources of information and practical tips on money management

    Different kinds of investments

    Preparing for retirement

    How are articles on retirement

    1. 10 Commandments of retirement
    2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
    3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
    vincerapisura.com


    Watch videos on money management

    Watch Usapang Pera episodes

    Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

    vincerapisura.com


    Get in touch with Sir Vince

    Message Sir Vince through FB messenger

    Send an email to Sir Vince

    Like Vince Rapisura page

    vincerapisura.com


    Join online groups of Sir Vince

    Join Usapang Pera Group

    Join Sir Vince blog newsletter

    vincerapisura.com


    vincerapisura.com


    Leave a Reply

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.