June 29, 2019 (9:13am)
Hi po sir. Gusto ko lang po itanong kung saan bank or insurance company puwede mag-invest nung minimum PhP1,000 na ginagamit para i-trade sa stock market or other ways na puwede iinvest.
I forgot the exact term po, basta mag-iinvest yung mga tao minimum of PhP1,000 then iipunin yung lahat ng nag invest in one basket like sa case na Kapa then ilaro sa stock market.
Gusto ko po maghulog para other source of income aside sa work ko. Thank you.
Jacqueline
June 29, 2019 (1:40pm)
Para saan po ang investment? Ano ang investment purpose?
Sir Vince
June 29, 2019 (8:03pm)
Hi po,
Para other source of income po aside sa sahod, sir. Instead na nag-iinvest po ako sa mga investment scheme, gusto ko po i-try yung investment na maliit po ang starting na puhunan kahit na maliit po ang ROI pero secure po ako na legal at tatagal po.
Thank you,
Jacque
June 30, 2019 (6:48am)
Kapag purpose po, lilinawin niyo kung para saan gagmitin at kailan niyo balak gamitin. Iyan ang first step na kailangan ko malaman bago ako makapagbigay ng maayos na advice.
Sir Vince
July 17, 2019 (4:30pm)
Hi po,
For additional passive income po para makapag ipon at makabili ng bahay. Short term po is for a year then the rest is for 2 years or more po.
Thank you po.
Jacque
July 23, 2019 (10:57pm)
Hi Jacque, mukhang andami mong gusting gawin sa investment na hindi mo matukoy sa halagang PhP1,000 a month – passive income, makapag-ipon at makabili ng bahay. I think makakatulong kung gumawa ka muna ng financial plan at linawin mom una ang iyong mga financial goals. Here’s a guide: http://vincerapisura.com/paano-gumawa-ng-financial-plan/
Nabanggit mo din ang Kapa sa email mo sa akin. Scam yun. Buti na lang at sa succeeding email mo ang sabi mo ay gusto mo ng legal kahit maliit ang ROI. Para hindi mabiktima ng scam, basahin ito: https://vincerapisura.com/tatlong-pangako-ng-mga-scammer-na-dapat-tandaan-para-hindi-maloko/
Hula ko ay wala ka pang emergency savings. Ito ang dapat mong unahin, bago mo pa isipin ang pag-iinvest. Good investment practice starts with the habit of saving. Sundin mo ang budgeting rule ko para makapag-save ka. Watch this video: https://vincerapisura.com/5-15-20-60-budgeting-rule/
Here’s also a guide for you kung ano ang options mo where to place your emergency fund or emergency savings: https://vincerapisura.com/saan-dapat-nakalagay-ang-emergency-fund/
Habang nagse-save ka, maganda na palawakin mon a ang knowledge mo sa passive income dahil nabanggit mo din ito sa email mo sa akin. Ito ang mga resources ko diyan: https://vincerapisura.com/passive-income-101/
Para naman sa pabahay, here are the resources: https://vincerapisura.com/pag-ibig-101/
I admire your quest for knowledge. Basahin ang mga ibinigay ko sa iyo. Sana ay makatulong ang mga ito.
Sir Vince
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent