Mga KaSosyo at KaNegosyo, di ba marami kang natutunan sa ex mo? Naku ganun din sa investing, matuto tayo sa mga pagkakamali natin in the past. Kaya kung may PhP100,000 ka ngayon, basahin mo itong mga recommended investments ko para siguradong hindi ito magiging isang malaking heartbreak.
Noong 2017, maraming nagtanong at namulat sa aking post ukol dito. Salamat sa 217,000 na bisitang nakuha ng article ko noong mga panahong ‘yon. Ngunit, bilang isang financial guro, alam kong ang mundo ng investments ay patuloy na nagbabago at dapat tayong makisabay. Wish ko lang umabot sa 1 million ang maging readers nito.
Kaya inupdate ko ang aking mga rekomendasyon. Hindi na lang tatlo, ngayon ay limang magagandang investment options na ang aking isheshare. Sa halagang PhP100,000, aling investments ang maaari mong paglaanan ng pansin dsa darating na 2024?
- Land banking
Alam mo bang may mga bagay na parang wine? Mas pinapalangga, mas sumasarap. Ganito rin ang konsepto ng land banking. Imbis na bilhin ang lupa at agad ibenta, ang goal dito ay patagalin ito – parang secret crush, tinitingnan mula sa malayo, hinahayaang lumago.
Para sa mga gusto maghold nang matagal, kadalasan ay 10 taon o higit pa, land banking ang sagot. Tumataas ang value nito sa paglipas ng panahon. Pero siyempre, dapat handa ka rin sa matagalang commitment.
Kahit mataas ang potensyal na kita, maaaring matagalan bago mo ito makuha. Pero, sigurado ka dito! Maliban na lang kung malapit ito sa mga danger zones, mas safe siya kumpara sa ibang investments.
Ang parents ko ay nakabili noon ng lupa worth PhP25,000. Twenty years bago nila ito naibenta, pero sa halagang PhP1.4 million. That’s 22.3% annual rate of return. Ang downside? Matagalan talaga at siyempre hindi ganun kadali magbenta.
Paano nga ba mag-start sa land banking? Hanapin ang mga lugar na may potensyal na tumaas ang land values in the future. Mag-research tungkol sa mga zoning laws at mag-usyoso. Kausapin ang mga locals para malaman kung may mga undervalued properties.
Aaminin ko, nae-excite ako sa ganitong uri ng investment. Kasi habang nag-aantay ka, alam mong ang pera mo, habang tumatagal, tumataba!
- Low cost housing for rental
Minsan mas madali pa mag-decide kung anong OOTD kesa saan ilalagay ang Php100,000 mo. Pero ang sure fire na magandang paglagyan niyan ay gawing downpayment ng brand new unit sa low cost housing ng house and lot na nagkakahalaga ng PhP400,000. Gawin itong paupahan.
Upang magawa ito, kumuha ng loan sa PagIBIG. Ang interest rate para sa affordable housing loan ay napakababa –3% per annum lang.
Kung manghihiram ng PhP300,000 at babayaran ito sa loob ng sampung taon, ang monthly amortization ay nasa PhP2,800 lang. Samantalang sa mga low cost housing, ang kalakaran ng renta ay nasa PhP3,000 hanggang PhP3,500 na.
Siguraduhin lang na ang rental income na makukuha ay mas mataas kaysa sa loan amortization ng loan na kukunin. Ito ang cardinal rule sa rental property business.
Gusto ko ang ganitong investment dahil bukod sa may positive cash flow mula sa rental income, mayroon din itong capital appreciation in the long run.
- Pag-IBIG MP2
Alam mo yung feeling na may natuklasan kang bagong dessert sa sikat na cafe, tapos hindi mo ma-explain kung bakit sobrang sarap? Parang ganito ang Pag-IBIG MP2 sa mundo ng investments. Ito ay isang voluntary savings program ng gobyerno na nagbibigay-daan sa atin para mag-ipon ng mas malaki, at mabilis!
Kung tight ang budget, huwag mag-alala! Pasok ang 100K mo rito dahil sa halagang PhP500 lang, puwede ka nang magsimula. Oo, tama ang nabasa mo, kapresyo lang ng isang fancy coffee! Bonus pa, tax-free ito kaya mas malaki ang maiipon mo. Pero ang pinaka-wow dito, mataas ang dividend. Pano ba naman, sa nakalipas na limang taon, tinalo nito ang stock market! At hindi lang ‘yon, sa loob ng labing-isang taon, nalampasan nito ang inflation rate.
Kung hanap mo ay isang investment na low-risk pero high-reward, Pag-IBIG MP2 ang sagot. Para itong secret recipe ng lola mo na hinding-hindi matalo-talo sa lasa!
- SSS WISP+
Alam mo ba yung feeling na may favorite ka nang shirt pero bigla mong nadiscover na may hidden pocket ito? Ibang level, di ba? Ganyan din ang SSS WISP+. Sa una, mukha lang itong ordinaryong retirement savings program, pero sa loob, maraming bonggang features!
Ang SSS WISP+ ay isang voluntary retirement savings program na perfect partner ng regular SSS social security program mo. At guess what? Tax-free ito! Kung PhP500 lang ang budget mo, pwede ka na! Mas flexible pa, dahil pwede kang mag-contribute anytime. Pero ang real deal dito? Mas mataas ang investment earnings nito kumpara sa mga bangko. At good news, bukas ito sa lahat ng SSS members – walang etsepuwera!
Gusto mo bang sumali sa WISP+? Simple lang. Pumunta sa My.SSS account mo (sa member.sss.gov.ph), at tanggapin ang terms and conditions ng WISP Plus. Apply ka lang once at hindi mo na kailangan mag-worry tungkol sa expiration. Pero heads-up, huwag mag-apply kung nag-file ka na ng final benefit claim for retirement or total disability.
Kaya kung naghahanap ka ng reliable na partner sa pag-iipon para sa future, SSS WISP+ ang bagong MVP! Sa bawat contribution, isang hakbang palapit sa dream retirement mo!
- Retail Treasury Bond and Retail Dollar Bond
Alam mo yung swiss knife? Yung maliit na kagamitan na may sandamakmak na features? Parang ganoon ang Retail Treasury Bond (RTB) at Retail Dollar Bond (RDB). Ito ay mga bond na inooffer ng ating gobyerno, kumbaga sa food, ito yung “special dish” nila.
Tawag dito ay “government securities” at dahil galing ito sa Philippine Bureau of Treasury, kaya may “treasury” sa pangalan. Ang RTB ay sa peso, samantalang ang RDB ay sa dolyar. Pero bakit nga ba ito special? Dahil ito ay paraan ng gobyerno upang maging kasama ang small investors sa financial journey – isang objective para sa financial inclusion at diversification. Plus points pa, tinutulungan nito ang ating ekonomiya mula sa sectors ng infrastructure, agrikultura, edukasyon, at kalusugan. Sana nga lang, ‘wag gamitin sa corruption, ‘di ba?
Para sa mga nais mag-invest na gustong mapanatili ang halaga ng kanilang pondo, nagnanais ng kita na mas mataas kumpara sa ibang investments, at naghahangad ng likas na kita, ang RTB at RDB ay maaaring sagot sa inyong pangangailangan. Isa pa, ito ay para rin sa mga taong naghahanap ng mas mataas na return kumpara sa karaniwang bank deposits.
Ito rin ay perpektong investment para sa mga nagpaplano sa retirement, pagpapatayo ng bahay, edukasyon ng mga anak, kalusugan, o kahit pa para sa pamana.
Kaya kung naghahanap ka ng versatile na investment tool na parang swiss knife, ang RTB at RDB ang perfect match para sayo!
- Franchise
Gusto mo bang maging boss? Hindi sa love life, ha, kundi sa franchise!
Maari ka nang makakuha ng matino-tinong franchise sa halagang PhP100,000. Alalahanin lang na ang franchise ay isang negosyo kaya dapat itong tutukan at pag-aralang mabuti.
Sa pagpili ng franchise, kumuha ng malapit a sa iyong puso. Either may karanasan ka sa business model ng franchise o matindi ang paniniwala at pagtangkilik mo sa produkto.
Pumili ng mapagkakatiwalaang brand dahil ito ay mga tried and tested na. Maganda ring ikaw mismo ang magpatakbo ng franchise. Kung hindi naman ay kumuha talaga ng taong may kakayahang magpatakbo nito.
Kinakailangan ding matuto ng mga marketing strategies upang maging mabenta ang produkto o serbisyo ng iyong franchise.
Make a financial plan
Ang mga ito ay personal preferences ko lamang. When choosing investments, you must match these with your investment goals. Kaya napakaimportante na gumawa ng financial plan.
Wala ring substitute sa pagaaral sa mga nais pasuking investments. Kung wala kang sapat na kaalaman sa isang klase ng investment, huwag itong pasukin.
Ang isang senyales na hindi ka pa handa sa papasuking investment ay kung maya’t maya ay kinakabahan ka sa papasukin mo o kaya naman ay hindi mo maintidinhan nang lubusan ang ang investment. Kapag meron ka nito, maiging ipagpaliban muna ang pagi-invest at pag-aralan muna ito.
Mahirap mag-ipon ng pera para pang-invest kaya ingatan natin ito at piliin nang mabuti ang mga papasuking investment.
Sa huli, ang pag-invest ay parang journey sa love life: puno ng kaba, excitement, at pag-asa. Minsan, masakit sa umpisa, pero kapag tamang diskarte ang ginawa, masarap ang bunga. Hindi mo kailangan maging expert agad, ang mahalaga ay natututo ka sa bawat hakbang. Sa mga binahagi kong investment options, sana ay mayroon kang nakita na swak sa’yo.
Ako si Sir Vince, financial guro at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!
Gusto mo bang mapag-aralan pa ang tungkol sa estate planning? Sumali sa Retirement and Estate Planning Webinar sa December 8 and 15, 2023.
Details at http://vincerapisura.com/webinars. Mag-register na sa https://bit.ly/rpwebinar-register
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent