Mga KaSosyo at KaNegosyo, natatandaan mo ba noong high school ka at nag-iipon ka para sa field trip o outing? Yung tipong P10 dito, P20 doon. Sa huli, basta’t may sipag at determinasyon, nagagawa nating maabot ang ating goals. Ganito rin sa investing. Kahit na Php10,000 lang ang iyong puhunan, maraming opportunities para mag-grow ang pera mo.
Sa previous article ko tungkol sa Php100,000 investments, marami ang nagtanong, “Sir Vince, paano kung Php10,000 lang ang budget ko?” Huwag kang mag-alala dahil narito na ang aking tugon para sa’yo!
Emergency savings
Bago tayo sumabak sa malalaking laban ng investments, may paalala ako: magtayo muna tayo ng matibay na pundasyon. Paano ba ito? Simple lang – simulan sa emergency savings. Para sa mga may Php10,000 na pang-invest, eto ang mga magandang options na secure at kikita ka pa:
- ATM Account sa Commercial Banks: Alam n’yo ba, parang loyal friend ang ATM account – reliable at laging andyan. Oo, mababa ang interest, pero kung usapang security, panalo ito. At hindi lang ‘yan, available halos saan ka man magpunta. Kung gusto mong malaman paano ito gawin, bisitahin ang aking previous article tungkol dito. Ito ang pinakabasic dahil kailangan natin dahil kailangan nating matuto sa formal banking para handa tayo sa more sophisticated investmets in the future.
- Digital Banks: Eto, mga KaSosyo, para sa mga techy at laging online. Bukod sa safe up to 500K dahil sa PDIC, super convenient pa gamitin. Perfect ito kung gusto mo ng madaling access sa iyong funds, anytime, anywhere. Meron akong blog post na nagdedetalye kung paano mag-start dito.
- Rural Bank Time Deposit: Eto naman, hidden gem ng banking world! Higher interest rate kumpara sa commercial banks at protected pa rin up to 500K ng PDIC. Plus, puwede mo itong i-preterminate kung kinakailangan. Gusto mo bang malaman paano? Check out ang aking article tungkol sa Rural Bank Time Deposits.
- Coop Time Deposit: Last but not least, isang magandang option ito lalo na kung sa strong and reliable coops mo ilalagay. Bukod sa mas mataas na interest rates, withdrawable ito anytime. Para sa in-depth discussion, basahin ang aking blog post tungkol dito.
Aminado tayong ang PhP10,000 ay maliit kung tutuusin sa usapin ng investments. Pero ito ay iyong stepping stone towards financial stability. Kaya naman, bago magsimula into other investment products, siguraduhin muna na solid ang iyong emergency savings. Ang ideeal target amount ay 9 times to 12 times of your monthly income para dito. Ang emergency savings parang pagkakaroon ng life vest sa bangka; hindi mo alam kung kailan mo kakailanganin, pero mas mabuti nang handa ka.
Pag-IBIG MP2
Ang Pag-IBIG MP2, parang si Darna – tahimik pero powerful. Tuloy-tuloy ang paglipad ng performance nito na tinalo pa ang 5-year government treasury bonds for 12 straight years! Ito pa, ang Pag-IBIG MP2 ay tax-free! Yes, mga KaSosyo at KaNegosyo, wala kang babayaran na 20% withholding tax na karaniwan sa ibang investments. Iyong perang in-invest mo, diretso sa paglago, walang bawas!
At alam niyo ba, hindi lang sa bulsa mo nakakabuti ang Pag-IBIG MP2, pati na rin sa puso mo. Bakit? Kasi ang savings mo, nagiging puhunan sa mga housing programs para sa ating mga kababayang nangangailangan. Kaya hindi lang ito basta investment, ito ay investment with a heart. San ka pa? Magbasa pa at matuto tungkol sa kung bakit nga ba ito ang superstar ng investments sa aking in-depth article.
Regular SSS
Ginawa ko na ang research para hindi mo na gawin, walang kahit anong private pension investment product ang makakapantay sa benepisyong naibibigay ng SSS kapag ang usapan ay returns sa kaparehong halaga ng iyong contributions. Ito ang superhero ng pension plans—walang kapantay, walang kasing-lakas!
Ang regular na SSS contribution mo ay parang magic beans na tumutubo at nagiging higanteng puno ng yaman. Hindi lang ito simpleng pag-iipon; ito ay ang pagtatayo ng isang matibay na financial fortress na magpoprotekta sa ‘yo sa iyong golden years. Kaya sa tuwing maghuhulog ka sa SSS, isipin mo na isa itong hakbang paakyat sa matatag na kinabukasan. Read more here.
WISP+
Kung ang Regular SSS ay ang ating standard na kanin, ang WISP+ (Workers Investment and Savings Plan) ay parang extra toppings sa iyong favorite halo-halo—optional pero nakakapagpasarap lalo ng buhay retirement mo. Ito ‘yung flexible na ka-partner sa pag-ipon na may added growth potential, na sa halagang Php500 lang, pwede ka nang magsimula. Kagandahan ng WISP+, ito’y walang fixed contribution and as of last year, magkamukha ang interest na nakuha sa dividend ng Pag-IBIG MP2.
RTB and RDB
Ang RTB (Retail Treasury Bond) ay sa ating pambansang pera, habang ang RDB (Retail Dollar Bond) ay sa dolyar, parehong handog ng gobyerno para sa mga Pinoy na gustong magkaroon ng parte sa ating ekonomiya. Hindi lang basta investment, ito’y pagtulong na rin sa pagpapaunlad ng ating bansa—sa mga proyektong pang-imprastraktura, agrikultura, edukasyon, at kalusugan.
Ang RTB at RDB ay para sa bawat Juan at Juana na naghahangad ng stable at reliable na kita. Kumpara sa regular na bank deposits, mas mataas ang potential returns dito. Ito’y hindi lang pang-ngayon, pang-future pa—pang-retirement, pang-edukasyon, pangkalusugan, o kahit para sa legacy na nais mong iwan.
Secure your Future
Mga KaSosyo at KaNegosyo, sa pagtatapos ng ating talakayan, nawa’y may mga bituin na nagliwanag sa landas ng iyong financial journey. Tandaan, ang bawat piso na iyong ini-invest ngayon ay tulay patungo sa mas maginhawa at masaganang bukas. Huwag sana nating ipagpaliban ang mga oportunidad na lumago ang ating ipon—ang pagkakataon sa RTB at RDB, sa Pag-IBIG MP2, at sa SSS ay parang mga biyahe ng bus, hindi natin alam kung kailan ulit daraan.
Kaya’t itaas natin ang layag at samantalahin ang hangin ng pagkakataon. Ilagay ang iyong Php10,000 sa tamang investment na mag-aalaga sa iyong puhunan habang ikaw ay abala sa pagtahak sa iyong pangarap. Gaya ng isang masinop na kapitan, gabayan mo ang iyong barko sa maayos na direksyon. Maging matapang, maging mautak, at higit sa lahat, maging handa sa paglalakbay na may kahandaan sa anumang unos na darating.
Ako si Sir Vince, ang iyong financial guro, ay laging nandito para magbigay liwanag at gabay. Sa ating pagtutulungan at pag-aaral, walang imposible. Kaya’t simulan na natin ngayon—dahil ang yaman ay hindi lang nasa kinang, kundi nasa kapayapaan ng loob at katiwasayan ng buhay. Kasama mo ako sa bawat hakbang patungo sa yaman na may kabuluhan. Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
Gusto mo bang mapag-aralan pa ang tungkol sa estate planning? Sumali sa Retirement and Estate Planning Webinar sa December 8 and 15, 2023.
Details at http://vincerapisura.com/webinars. Mag-register na sa https://bit.ly/rpwebinar-register
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent